Bata pa si nene, Masipag na! Yan ang turing ko sa aking sarili. Masipag na sa pagtratrabaho kahit nene palang. Nag simula akong maging masipag noong ako ay nasa sekondarya pa lamang. Noon ang nasa isip ko lamang ay kasiyahan lang ang pagtratrabaho kaya nag paepal ako sa ninong at ninang ko na may pinagkakakitaan na paglilibro. Pagpunta sa mga kumpanya na may dalang dalawang bag ng sampol na may pitong libro o isang set, na kahit maliit pa ako ay nagbubuhat na ako ng ganoong mga bagay. Maraming nagsasabi sa akin noon na; "ne ang sipag mu naman, kahit bata kapa ay masipag kana". Noon kapag nakakatanggap ako ng ganoong papuri sa napapangiti ako at natutuwa. Kaya iyon ang nagsilbing inspirasyon sa akin upang ipagpatuloy ang ganoong gawain dahil kapag nagtratrabaho daw ay masipag ang isang istudyante. Hanggang sa ito ay nagtagal at si nene ay nagpatuloy sa kanyang pagtratrabaho hanggang sa siya ay makapagtapos ng sekondarya.
Sa pagtatapos ko ay naisip namin ng aking mga kaibigan na huminto muna at kami ay magtrabaho muna at tuamagal ito ng dalawang taon. Ngunit naisip ko na parang napagiiwanan na ako ng panahon dahil hindi ako nakakapag aral kaya ako ay kumuha ng eksaminisasyon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ako naman ay pinalad at nakapag aral, ngunit hindi doon nag tatapos ang kwento ng masipag na si nene. habang siya ay nagaaral ay nagtratrabaho din siya. Alam ni nene na malaking epekto nito sa buhay niya dahil maapektuhan nito ang kanyang pagaaral. Kaya kapag dumating ang mga araw na kailangan ni nene ang mag ensayo ng mga bagay na dapat gawin sa mga asignatura ay mahirap niya itong tugunan, may ilang nagsabi sa akin na " hindi daw excuse ang pagtratrabaho ko", doon sumama ang loob ko sa taong nagsabi sa akin noon. Mayroon din nagsabi sa akin na dapat ko raw tumbasan ng magandang greyd ang aking mga iskolar ngunit paano ko iyon magagawa kung ako ay naghahanap buhay habang nagaaral? Kailan kaya nila maiintindihan ang aking ginagawa! Kailan?

No comments:
Post a Comment