Saturday, October 8, 2011

Ito ang kwento ng Buhay ko

Sa panulat ni: Mitzy Kaye

Ang kahirapan tila wala na yatang katapusan

Paghihikaos, pagtitiis, yan lagi ang nararanasan,

“Kailan ba?” “Hanggang kalian?”

Makawawal pa ba ako sa putik na kinalalagyan?

Isang tanong na tila wala na yatang kasagutan.

“Palimos po, palimos po!”

Kahit magkano po.

Malamanan lamang po ang sikmura kong kahapon pa kumukulo.

Yan ang lagging linya ko,

Kapag nasa labasan ako ng simbahan sa Quiapo.

Maliit, payat, maitim, malalaki at bilugan ang aking mga mata.

Iyan ako!, ulila nang lubos…

Naiinggit ako sa mga batang may mga magulang.

May nagmamahal sa kanila at may kumakalinga.

Ako kaya? May magmamahal pa ba sa akin.

Marami akong mga pangarap,

Pero ako ay naninimdim.

Dahil hindi ko alam kung saan ko uumpisahan.

Minsa nais ko ng sumuko

Dahil wala na akong nakikitang dapat pa akong mabuhay sa mundong ito.

Isang araw pumasok ako ng simbahan,

Wala lang, trip ko lang!

Umupo ako sa may harapan,

Tumapat sa may ceiling fan

Dahil mainit…

Naglalakad ako ng sumagi sa aking isipan

Ang winika ng pari kanina.

“Wag’ kang mawalan ng pag-asa”. Kahit ang buhay ay punong-puno ng pagsubok,

Lagging manalig sa itaas dahil ang Diyos kailanman hindi tayo pinabayaan.

Napagnilay-nilayan ko na kailangan kong magsikap

Para ang hirap ay hindi ko habang-buhay kong daranasin.

Pagkat ang buhay ay isang handog ng Maykapal,

Dapat pagyamanin at palaaguhin.

Mahal ako ng panginoon! Mahal Niya ako!

Tingnan mo ako ngayon

May ngiti na sa aking mukha!

Dahil alam ko na hindi na ako nag-iisa

May nagmamahal na sa akin,

“Ang Diyos ang aking ama!”

Darating din ang araw na makakamtan ang aking mga pangarap,

Makaaahon sa buhay!

Pati sa putik na labing-dalawang taon kong kinasadlakan.

Ito ang buhay ko,

Isa ako sa mga batang nangangarap na guminhawa ang buhay.

No comments:

Post a Comment