Showing posts with label kultura. Show all posts
Showing posts with label kultura. Show all posts

Saturday, October 8, 2011

Dear Maam/Sir ni Shara Mae Perez


Mula sa ating pagkabata,meron na tayong kinikilalang pangalawang magulang,ito ay ang ating mga guro. Ang kasama natin higit pa sa ating nanay,tatay,lolo,lola o sinumang kadugo,sila daw ang pangalawang  higit na nakakakilala sa atin,buong araw ba naman nila tayong kasama ,sila ang mga taong kahit binata o dalaga pa lang ay marami ng guhit sa noo dahil sa mga kalokohang ating ginawa, ngunit sa kabila nito masigasig pa rin silang gigising sa pinakamaagang oras sa umaga upang ihanda ang mga bagong leksyon para sa atin ,mag iisip ng mga bagong paraan upang hindi tamarin sa klase ,pero hindi lang ito ,malaki ang impluwensya nila sa paghubog ng ating pagkatao, mga pangaral nilang hindi nakalagay sa lesson plan kundi sa kanilang mga puso ,mga pangaral na siguradong tatak sa ating puso’t isipan at dadalhin sa pagtahak sa susunod na hamon sa ating buhay.

Masarap balikan ang mga oras na kasama sila ,sila yung akala mo masungit pero banding huli parang kaibigan mo nalang, halimbawa nito ay yung kapit na kapit ka sa saya ng nanay mo dahil sa ayaw mong pumasok dahil gusto mong manood ng bananas in pajamas sa telebisyon pero dahil kay teacher at sa kanyang masarap na kendi ,tahimik ka ng nakaupo at handing mag aral, minsang ding heto at  nawalan ka ng baon at gutom na gutom pero dahil kay teacher ay may sigala ulit mag aral dahil sa pagkaing binigay nya, at syempre minsang ka na din nakipag away sa iyong kaklase at ang iyong teacher ang nariyan upang ikaw ay pangralan sa maling iyong ginawa.at ang hindi napapansin ng lahat ay ang ating mga guro ang higit na masaya sa ating mga tagumpay, habang hawak hawak natin ang diplomang simbolo n gating pagtatapos, ito ay simbolo sa kanila ng pag alis ng isa na namang tinuring na anak ,isang luha ang papatak dahil sa kagalakan dahil isang matagumpay na tao ang kanyang nagawa.

Kultura nating mga Pilipino ang tumanaw na utang na loob ,at isa sa dapat nating pag alayan nito ay ang ating mga guro , na handang gawin ang lahat para sa kanyang mahal na estudyante ,kakambal nito ang pag alala sa kanila hindi lamang sa petsa na inilaan sa kanila kundi sa ating araw araw na pamumuhay, kasama ang mga aral na hatid nila sa atin na siguradong gagabay sa atin.

Kung wala sila ay walang nars,doctor,abogado o sinumang tagumpay na tao .

O, Maria Clara ni Mara Grace Pinion

O, Maria Clara
Ingatan ang puso mong dalisay
Huwag hayaang mabahiran ng dugo
Huwag pahintulutang malinlang ng maling tao

O, Maria Clara
Kilala mo ba si Maria Ozawa?
Katawan niya ay ibinebenta
Upang magkalaman ang sikmura

O, Maria Clara
Ipag-igib mo ng tubig ang iyong asawa
Ipagluto mo ng pagkain ang inyong mga anak
Abutan mo siya ng pera para sa kanyang yosi at alak

O, Maria Clara
Hindi dapat nangyari ang mga ito
Kung sa panliligaw pa lamang ay binusisi na ang kanyang puso
Pakay ay pagtatalik, pagmamahal ay nakatirik

O, Maria Clara
Makinig ka sa iyong magulang
Iwanan ang taong sanhi nang paghihirap
Ang katawan mo'y binaboy, ang puso mo'y sinaktan

O, Maria Clara
Gumising ka na
Huwag ipahiya ang lahing pinagmulan
Ikaw ay isang Pilipina

Friday, September 30, 2011

Fastfood Chains at Pag-Ibig ni Mara Grace Pinion

"Saan niyo gustong kumain?" Iyan ang paulit-ulit na tanong ni Carlynn sa amin kanina bago namin pailisin sina Emman at Ina. May katabi kaming Jollibee, may madaraanang KFC pero ang bagsak ay sa McDonald's. Lahat pamilyar at may pagkakatulad, kung hindi manok ay ispageti, kung hindi fries ay burger. Fastfood chain.

Malilimot niyo ba ang paborito nating litanya noong mga bata pa tayo? Gusto natin ng kiddie party para makita ang mga mascot at party hat. Gusto natin ng chickenjoy ng Jollibee at ng McSpaghetti ng McDonald's. Gusto natin ng finger lickin' good na manok ng KFC. Bata nga kasi, mahilig sa leg part at ispageti-- para raw bida ang saya dahil love niya 'to.

Tumatanda man tayo ay hindi madaling nagbabago ang ating nakasanayan. Mas mura, mas masaya-- ang importante ay magkakasama ang barkada. Wala namang kwenta ang pagkain sa mamahaling restawran, ibabanyo mo rin naman yan pagkalipas ng ilang oras. Hindi tulad sa mga fastfood chain, buhay ka na sa P25-- maaaring regular na french fries o Coke float. Pwedeng-pwede nang pagsaluhan nang mag-kasintahan at kaibigan. Sulit na ang pera, tawid gutom pa.

Dahil sa mga fastfood chain na ito ay nagkaroon kami ng koneksyon ni Emman, ng kasintahan ko. Hindi ko na rin ikakaila ang ilan sa mga kaibigan kong sa McDonald's din nagsimula. May ilan na sa Jollibee dahil loyal daw sila sa pagiging Bida ang saya! Mauupo, mag-uusap, magtatanong kung ano ang pwedeng kainin, o-order si lalaki, magkekwentuhan-- 'yong may mas malalim na pagkakakilanlan. Sa mga kabataan kasi ngayon ay hindi na mahalaga ang class na tinutukoy, basta nagkakahalubilo, nagkakasama-- ayos na.

Naniniwala ako na naging malaki ang papel ng mga kaininang ito sa buhay ng tao. Natuto tayong magtipid para habulin ang 39ers at McSavers. Hindi nagpahuli ang KFC, meron na rin silang Streetwise. Kanya-kanyang adbertisment at pag-imbento ng kung ano-ano para lang dumami ang suki. Nabuo ang barkada sa paumpisang pagbili ng tatlong extra large fries at maraming-maraming ketsup. Nagtawanan hawak ang Coke float, naglambingan sa pamamagitan nang pagpapakagat kay mahal sa burger o pagsubo ng pagkain sa kaniyang bibig. Hindi nabigo ang mga kaininang ito upang tayo ay pagbigkisin, pasiyahin at higit sa lahat at paibigin. Hindi lamang sa mga taong kasama natin sa tuwing tayo ay papasok sa tindahan nila kundi pati sa pagkain na ating binabalik-balikan.

Thursday, September 29, 2011

Panaghoy
para sa kultura't pakakapanatay-pantay
na nilimot na ng panahon

(Isang pasanaysay na mensahe para sa mga nakalimot na)

Ni Mitzy Kaye

Maaaring sayo’ng paga-akalang ito’y isang tula ngunit isa itong mansahe para sa mga kababaihan, kalalakihan, pati na ang mga kabataan.

Bawat tao ay binigyan ng karapatan: ang karapatang ipinagkaloob ng Diyos at ang karapatang ibinigay ng pinuno ng ating bansa na nakalimbag sa ating Saligang Batas. Pantay-pantay ang ating karapatan ngunit sa bawat karapatan at kalayaang ipinagkaloob ay nangangailangan ng pagkilos.

KARAPATANG PANTAO. Karapatang ipinagkaloob bawat isa sa atin ngunit ang karapatang ito’y tila isang alaalang ibinaon na sa limot. Sa kasalukuyan, ang mga imahe ng kababaihan ang patuloy na niyuyurakan ;Dati-rati ang mga babae;pagsapit ng kanyang pagdadalaga nariyan ang mga binatang nanliligaw, kani-kaniyang istilo makamit lang ang matamis na “oo” ng kanilang iniirog. Tila isang kayamanan na iniingatan ang mga babae subalit ngayon marami ka nang mababalitaan. Mababasa sa sa front page ng mga dyaryo...”Babae, ginahasa na pinatay pa!”. Nakalulungkot isipin na hindi na sila nirerespeto’t iginagalang bagkus ay yiniyurakan at tinatanggalan ng dignidad.

PANG-AABUSO. Karapatan ng mga menor de edad!. Dapat ay nasa paaralan upang matuto bagkus nasa lansangan, namamalimos, nakikipagpatintero sa mga sasakyan upang makabenta ng mga basahan at kung ano-ano pa. Nasa simbahan upng maglako ng sampaguita. Nakapanghihinayang ngunit wala tayong magagawa. Dahil sa kahirapan ay kinakailangan nilang magbanat ng buto para may ipanglaman sa kanilang sikmura.

Kung iyong mapagtatanto ay tuluyan nang kinalimutan ang kabihasnan n gating kultura na dapat ang mga babae ay iginagalang, minamahal at dapat nasa loob ng tahanan lamang. Ang mga batang dapat ay nasa silid-aralan upang matuto at hindi lumaking mangmang at naglalaro upang makisalamuha, magkaroon ng kaibigan, at naglilibang. Ang mga gawaing mabibigat ay dapat sa mga matatanda iniaasa.

Hiling ng bawat isa sa atin mapalalaki man o mapababae, bata’t matanda ay may pantay na karapatan , upang magkaroon ng pag-unlad, pagkakaisa’t pagkakaunawaan . Ang kulturang kinagisnan ay huwag iwaglit sa ating isipan .Patuloy na pagyamanin. Ituro pa sa susunod na saling-lahi. Walang mawawala kung pahahalagahan natin ang mga ito. Sapagkat ang kulturang kinalimutan ay siyang magbibigkis sa atin. Ang pag-unlad ng ating bayan ay nasa kamay ng bawat isa sa atin “ pang-aabuso at diskriminasyon” ay isang demonyo at salot na siyang sisira sa magandang imahe at relasyon ng babae’t lalaki . Tandaan natin ang mga ito. J

BUHAY. Ito ang pinakamahalagang handog ng dakilang Lumikha. Pahalagahan, ingatan at mahalin. Pahalagahan tulad ng Kulturang Pilipino at igalang ang bawat isa kahit ano mang kasarian nito. Iyan ang tunay na Pilipino. MABUHAY!