Marahil kayo rin ay nagtatanong sa inyong sarili na bakit lagi na lang may hadlang para magawa ang gusto mo. Siyempre isa na ako dito, lagi kasing problema ang dumarating sa buhay ko. Problemang para bang walang katapusan. Wala naman akong balat sa puwet pero puro kamalasan pa rin ang dumarating.
Kailan kaya ako magiging swerte ulit? Ayan ang lagi kung sinasabi sa tuwing makakaranas ako ng mga pagsubok na lubos na nakakaapekto sa aking buhay. Ngunit sa tuwing makakakita naman ako ng mga bata sa lansangan, na walang tsinelas, maayos na damit at tirahan. Naiisip ko na maswerte pa rin pala ako sa kanila.
Sa pagkakataong ito napagtanto ko sa aking sarili na ano man ang maging katayuan mo sa iyong buhay, maging mayaman, mahirap o kaya naman maging Presidente ka pa ng Pilipinas ay hindi ka pa rin ligtas sa mga ibat-ibang uri ng suliranin. Pagsubok na walang katapusan na hanggat nabubuhay ka ay darating at darating ito sa iyo.
Subalit dumating man ito ng dumating sa buhay mo. Huwag mo itong talikuran at takasan bagkus gawin mo itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang laban at pag-asang magtagumpay balang araw.

No comments:
Post a Comment