Showing posts with label isyung pangkasarian. Show all posts
Showing posts with label isyung pangkasarian. Show all posts

Saturday, October 8, 2011

Babae vs. Lalaki ni: Catherine Moncayo

Babae o lalaki

Sino nga bang mas mahusay?

Sino ang tunay na may maipagmamalaki?

Si Eba ba na handang gawin lahat?

O si Adan na likas ang pagiging malakas?

Sa ating lipunan

Ang tingin sa mga lalaki

Ay matipuno’t makikisig,

Mga walang uurungan

Lahat ay kayang gawan ng paraan

Pero ang tingin sa mga babae

Ay tila mga katulong lamang,

Lahat ng gawaing bahay

Ay sila dapat ang tumapos

Kakayahan nila’y hindi maipakita

Ngunit kung ating titingnang mahusay

Ang lalaki ay hindi mabubuhay ng walang babae

At gayundin naman ang babae,

Sila’y sabay na nilikha

Kaya kakahayaha’y hindi maaaring humigit sa isa

Marahil nagkakaroon ng pagtatalo

Ngunit sa palagay ko’y normal lang ito,

Dahil sa magkaiba ang aspeto

Ng pinaggagamitan ng kakayahang kaloob sa mga ito

Kaya mapa-Babae man o Lalaki, lahat ay may angking kakayahan

Thursday, September 29, 2011

Becky Barako (ang baklang makata)

ni: Judcee Mae Dijos



Masaya ang lahat kapag kami ay bumanat

ng mga kalokohang kinakagat

ng masa at sa oras ng pagkabagot

ay sumasapat ang aming mga biro

na sa inyong hininga ay lumalagot.


Kami na ang mas bongga pa kaysa dalaga.

Kami na ang hindi mahinhin;

ngunit Maria Clara ring maituturing.

Kami na ang may wikang natatangi;

wikang ginagaya ng lahat ng uri.


Kami na ang nagpasimula ng kasiyahan

sa barangay tuwing kapistahan.

Kami na ang mga host na iniimbitahan

sa mga pakontest ni kapitan;

gayong hindi namin hangad ang katanyagan.


Kayo’y liligaya

kung kami’y inyong kabarkada.

Kaming may berdeng dugo,

wala man kaming matres,

bilang nami’y lumalago.


Ang pagsakay niyo lang sa aming mga biro

ay isa nang patotoo:

na ang aming lahi ay tanggap na ninyo.

Ngunit sa panahong ito,

hindi pa pala ganap ang aking pagkatao:


Masaya akong umuwi galing trabaho,

‘pagkat kayong lahat ay napasaya ko;

Anupat kumita ng pera para sa pamilya.

Sa pamilyang hindi ako kilala;

sa pamilyang tanyag bilang barako.


Papasok na ako sa aming pinto

at pagbubuksan ng aking ama.

Ngunit upang makaiwas sa kanyang kamao,

nagsinungaling ako, ‘di ko man gusto,

sinabi kong ako’y nagkarpintero.

"Pamumuhay ng Tao sa Isyung Pangkasarian"

Ni: Sarah F. Faulve

Sa pagikot ng mundo, sa pagbabago ng panahon at sa paglipas ng mga araw. Marami sa buhay ng tao ang nagbago, kasama na dito ay ang pagbabago sa kultura at isyung pangkasarian. Sabi ng iba ang pangatlong kasarian daw ay ang tinatawag na "tomboy o bakla" o tinatawag nilang "in between", in between kung tawagin kapag ihahalintulad sa pagpila kung magsisimula na ang plag seremony, isang linya para sa mga babae at isang linya naman para sa mga lalaki, ngunit saan nga pala daw pipila ang mga bakla o tomboy? Edi sa gitna! o "in between" sabi ng iba.... Sa panahon ngayon marami na rin ang nakakatanggap ng ganoon dahil ito ay nakasanayan na o nasa kultura na daw ng mga tao ngayon ang ganoong pamumuhay. Noon sa simpleng paraan lng naipapakita ang paghahalintulad sa mga ito. Hanggang sa pumasok na ito sa hindi pangkaraniwang pamumuhay at ito ay ang magkaroon ng ralasyon sa kaparehas na kasarian. Noon sabi ng mga matatanda ay bihira ka lang daw makakakita ng mga magkarelasyon na lalaki o babae sa kaparehas nitong kasarian dahil hindi naman iyon tanggap ng lipunan noon. Ngunit sa panahon ngayon ay unti- unti na natatanggap ng mga tao ang ganoong pagbabago hanggang sa tuluyan na itong makasanayan hanggang sa makasama na rin daw ito sa kultura natin. Tama nga ba ito o mali? Ayon sa mga naglilingkod sa diyos, ang pagkakaroon ng relasyon sa kaparehas nitong kasarian ay isang kasalanan sa diyos, dahil nilikha daw ang tao upang umibig at makipagrelasyon sa hindi nito kaparehas na kasarian. Ngunit sa mata daw nila ay hindi ito kasalanan dahil kapag nagmamahal ka ay hindi kasalanan.


Tanggap na nga ba ang ganitong pamumuhay ng tao sa panahon natin at ito ba ay maituturing na natin na kultura ng mga tao? Paano na ang mga taong hindi tanggap ang ganitong pamumuhay? Dapat ba natin itong tanggapin o baliwalain? Dapat na lang ba natin hayaan ang ganitong pamumuhay? Tayo ba ang mapapasya o ang diyos na lumikha? Minsan naitanong ko sa aking sarili na bakit kaya nagkakaganito ang buhay ng tao, hindi na ba pantay ang pagikot ng mundo, sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti nang nagbabago ang panahon sa tuwing ito ay lilipas?