Sa haba ng oras na inaksaya ko sa pagpila para lamang sa kursong hindi ko inaasahan, pakiramdam ko napurga ang buo kong katawan. Akala ko wala akong mararating, akala ko hindi ko magugustuhan. Nagkamali pala ako. Akala ko lang yon.
Alam kong pare-pareho lang tayong napunta sa kursong hindi nating gusto at magpahanggang sa ngayon ay nagtitiyaga tayo kahit alam nating pare-pareho na hindi tayo kuntento. Alam ko na may kanya-kanya tayong gustong gawin sa buhay, may iba't ibang pangarap-- ngunit nasakripisyo lahat, sukdulang maglakad tayong lahat sa basag na salamin maitawid lang ang ating mga sarili sa naghihingalong porsyento ng mga kabataang nakatutungtong sa PUP. Sayang-- yan ang nasa isip nating lahat.
Sino nga ba ang tunay na sayang sa mundong ito? Lakas-loob kong sasabihin na ang mga taong walang pagpapahalaga sa kanilang sariling wika ang tunay na sayang sa mundo. Hindi lamang sayang kundi walang kwenta. Oo, mahalaga ang pag-aaral ng banyagang wika. Kung tutuusin ay dapat halos lahat ng tao ay maalam nito-- ngunit bakit natin yayakapin pati kultura ng mga taong nagsasalita ng wikang banyaga? At bakit tila yata yumayabang na ang mga manggagamit nito?
Sino pa ang tunay na sayang sa mundong ito? Ang mga taong pilit tayong niyuyurakan dahil mainit daw ang ating uniporme. Naku, kung alam ko lang kaya dumami ang mga naka vest sa pamantasan ay dahil sa amin. Mainit pero kayang-kayang dalhin. Kaya nga pilit ginagaya e, diba?
Sino pa ang tunay na sayang sa mundong ito? Ang mga taong hindi nabibigyan nang pagkakataon na ipakita at patunayan ang sarili. Sa ating kurso, nabibigyan tayo ng pag-asa at pagkakataon na ipahayag ang ating saloobin-- kahit may mga pagkakataong nabibingi ang mga dapat makarinig. Ang pinaka masayang pangyayari ay ang pagpapakita natin ng ating mga talento tuwing Buwan ng Wika at Linggo ng Kolehiyo. Hindi ba't kaysarap mapanuod ng pagkarami-raming estudyante? Kaya nga may sumayaw din ng Singkil noong isang araw-- grabe, ganyan na ba talaga tayo kagaling?
Oo, mayabang na ako kung mayabang. Iyan marahil ang nagawa ng kurso sa akin. Natuto kong ipagmayabang ang sarili ko, ang sariling atin-- ang pagiging Pilipino.
Showing posts with label sanaysay. Show all posts

Saturday, October 8, 2011
Huwag Kang Magmadali ni Mara Grace Pinion
Sadyang napakapupusok ng mga kabataan ngayon. Halikan dito, halikan doon. Akala ba nila ay maganda itong tignan? Sunod sa uso at pagpapakita nang pagmamahal? Sa bayang ito, sa bansang ito-- hindi tinatanggap ang mga iyan.
Bilang isang politiko na nagnanais pakinisin ang mga kahoy na sinulatan ng mga walang modong kabataan, ituwid ang mga bakal na ipinapalo nila sa hita ng mga nangnanais sumama sa kanilang grupo, puksain ang pornograpiyang lumalaganap dahil sa kahirapan at droga, itigil ang maagang pag-aasawa at pakikipagtalk-- naniniwala ako na hindi natin kailangang magmadali.
Kabataan, naaalala mo ba ang sinabi ni Rizal? Pag-asa ka ng bayang ito kaya bakit mo sisirain? Bakit ka gagawa ng alam mong makasisira lamang sa iyong kinabukasan? Hinihintay ka nalang ng iyong kahahantungan ngunit bakit ka nagpalit ng daan? Huwag mong hayaan na mahulog ka sa maling landas, sa maling tao at sa maling sitwasyon. Huwag mong isipin na uso ang fraternity sapagkat wala itong maidudulot kundi kapahamakan. Hindi ito kaastigan kundi kaduwagan. Huwag mong sundin ang iyong nababaliw na puso, ang droga at alak ay maling takbuhan. Maaaring maging maginhawa ka ngayon ngunit bukas ay nandiyan pa rin ang problema.
Kabataan, ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo. Huwag kang magmadaling tikman ang sarap at sakit nang pakikipagtalik dahil maaari itong magbunga ng hindi inaasahang binhi. Ang murang edad na dapat naglalaro pa sa labas at winasak ng isang mayabang at malakas na loob na mahirap. Oo, mahirap naman talaga-- nakapagtataka nga lang kung saan kumukuha nang pambili ng yosi at alak. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, bakit pa rin kayo pumapatol sa alam ninyong wala kayong mararating?
Kabataan, ikaw ang makapag-aangat sa bansang ito. Ang iyong pambihirang katangian at kaisipan ang kailangan ng bansang ito. Ang mga kurakot at matatandang walang alam kundi magpasarap at magnakaw ay huwag mong pahintulutang makapanlinlang pa. Tumayo ka at ipaglaban ang iyong karapatan pati ipagmalaki ang iyong katangian.
Inuulit ko, huwag kayong magmadali. Ang mga bagay sa mundong ito ay mabilis na dumarating, maghintay ka lang at ito ay mararanasan mo rin.

"Ako nalang ulit." ni Mara Grace Pinion
Sanay na sanay tayong mga Pilipino na balikan ang isang tao o bagay kapag ito ay wala na sa ating mga kamay. Alam naman nating kailangang-kailangan natin ngunit hinahayaan pa rin nating maglakad papalayo sa atin. Maaaring tao, bagay o pangyayari. Maraming posibilidad. Maraming mga bagay ang maaaring pangyarihan nito.
Sa pag-ibig. Sabi ni Jhy sa akin noon sa tuwing makakikita kami nang magkarelasyon, "Hindi magtatagal yan." Oo-- siguro nga hindi sila magtatagal kung paiiralin nila sa kanilang mga sarili na hindi sila ang para sa isa't isa. Hindi sila magtatagal kung gagawa sila ng alam naman nilang hindi nila magugustuhang pareho. Kung may magtataas ng kanyang pride at magtatago nang nararamdaman. Kung may naglilihim o naghahanap ng iba.
Sa pamimili. Malaki ang pinagkaiba nina Nanay at Tatay. Kapag nagpupunta kami sa mall ay magkaiba sila nang pamamaraan nang pagbili. Bago kuhanin ni Nanay ang isang bagay ay lilibutin niya muna ang buong department store, minsan sa botique. Si Tatay naman ay kung ano ang makursunadahan ay yon na ang bibilhin. Maya-maya, kapag may nakita nanamang maganda ay babalikan at pag-iisipan. Ngunit huli na ang lahat, nakapagbayad na. Napapabuntong-hininga na lamang siya sapagkat mas maganda ang makalawa niyang nakita.
Simple lang naman ang gusto kong iparating sa inyo, pangatawanan sana natin ang mga bagay at desisyong ating ginagawa. Ang hirap kasi sa atin, kung kailan wala na ay tsaka hahabulin. Pagkahabol mo ay may iba nang hinahabol, may iba nang nakabili. Ang sakit diba? Ang sarap sabihin na sana ako nalang ulit... o di naman kaya ay sana ang oras ay pwedeng ibalik.

Dear Maam/Sir ni Shara Mae Perez
Mula sa ating pagkabata,meron na tayong kinikilalang pangalawang magulang,ito ay ang ating mga guro. Ang kasama natin higit pa sa ating nanay,tatay,lolo,lola o sinumang kadugo,sila daw ang pangalawang higit na nakakakilala sa atin,buong araw ba naman nila tayong kasama ,sila ang mga taong kahit binata o dalaga pa lang ay marami ng guhit sa noo dahil sa mga kalokohang ating ginawa, ngunit sa kabila nito masigasig pa rin silang gigising sa pinakamaagang oras sa umaga upang ihanda ang mga bagong leksyon para sa atin ,mag iisip ng mga bagong paraan upang hindi tamarin sa klase ,pero hindi lang ito ,malaki ang impluwensya nila sa paghubog ng ating pagkatao, mga pangaral nilang hindi nakalagay sa lesson plan kundi sa kanilang mga puso ,mga pangaral na siguradong tatak sa ating puso’t isipan at dadalhin sa pagtahak sa susunod na hamon sa ating buhay.
Masarap balikan ang mga oras na kasama sila ,sila yung akala mo masungit pero banding huli parang kaibigan mo nalang, halimbawa nito ay yung kapit na kapit ka sa saya ng nanay mo dahil sa ayaw mong pumasok dahil gusto mong manood ng bananas in pajamas sa telebisyon pero dahil kay teacher at sa kanyang masarap na kendi ,tahimik ka ng nakaupo at handing mag aral, minsang ding heto at nawalan ka ng baon at gutom na gutom pero dahil kay teacher ay may sigala ulit mag aral dahil sa pagkaing binigay nya, at syempre minsang ka na din nakipag away sa iyong kaklase at ang iyong teacher ang nariyan upang ikaw ay pangralan sa maling iyong ginawa.at ang hindi napapansin ng lahat ay ang ating mga guro ang higit na masaya sa ating mga tagumpay, habang hawak hawak natin ang diplomang simbolo n gating pagtatapos, ito ay simbolo sa kanila ng pag alis ng isa na namang tinuring na anak ,isang luha ang papatak dahil sa kagalakan dahil isang matagumpay na tao ang kanyang nagawa.
Kultura nating mga Pilipino ang tumanaw na utang na loob ,at isa sa dapat nating pag alayan nito ay ang ating mga guro , na handang gawin ang lahat para sa kanyang mahal na estudyante ,kakambal nito ang pag alala sa kanila hindi lamang sa petsa na inilaan sa kanila kundi sa ating araw araw na pamumuhay, kasama ang mga aral na hatid nila sa atin na siguradong gagabay sa atin.
Kung wala sila ay walang nars,doctor,abogado o sinumang tagumpay na tao .
Friday, September 30, 2011
Fastfood Chains at Pag-Ibig ni Mara Grace Pinion
"Saan niyo gustong kumain?" Iyan ang paulit-ulit na tanong ni Carlynn sa amin kanina bago namin pailisin sina Emman at Ina. May katabi kaming Jollibee, may madaraanang KFC pero ang bagsak ay sa McDonald's. Lahat pamilyar at may pagkakatulad, kung hindi manok ay ispageti, kung hindi fries ay burger. Fastfood chain.
Malilimot niyo ba ang paborito nating litanya noong mga bata pa tayo? Gusto natin ng kiddie party para makita ang mga mascot at party hat. Gusto natin ng chickenjoy ng Jollibee at ng McSpaghetti ng McDonald's. Gusto natin ng finger lickin' good na manok ng KFC. Bata nga kasi, mahilig sa leg part at ispageti-- para raw bida ang saya dahil love niya 'to.
Tumatanda man tayo ay hindi madaling nagbabago ang ating nakasanayan. Mas mura, mas masaya-- ang importante ay magkakasama ang barkada. Wala namang kwenta ang pagkain sa mamahaling restawran, ibabanyo mo rin naman yan pagkalipas ng ilang oras. Hindi tulad sa mga fastfood chain, buhay ka na sa P25-- maaaring regular na french fries o Coke float. Pwedeng-pwede nang pagsaluhan nang mag-kasintahan at kaibigan. Sulit na ang pera, tawid gutom pa.
Dahil sa mga fastfood chain na ito ay nagkaroon kami ng koneksyon ni Emman, ng kasintahan ko. Hindi ko na rin ikakaila ang ilan sa mga kaibigan kong sa McDonald's din nagsimula. May ilan na sa Jollibee dahil loyal daw sila sa pagiging Bida ang saya! Mauupo, mag-uusap, magtatanong kung ano ang pwedeng kainin, o-order si lalaki, magkekwentuhan-- 'yong may mas malalim na pagkakakilanlan. Sa mga kabataan kasi ngayon ay hindi na mahalaga ang class na tinutukoy, basta nagkakahalubilo, nagkakasama-- ayos na.
Naniniwala ako na naging malaki ang papel ng mga kaininang ito sa buhay ng tao. Natuto tayong magtipid para habulin ang 39ers at McSavers. Hindi nagpahuli ang KFC, meron na rin silang Streetwise. Kanya-kanyang adbertisment at pag-imbento ng kung ano-ano para lang dumami ang suki. Nabuo ang barkada sa paumpisang pagbili ng tatlong extra large fries at maraming-maraming ketsup. Nagtawanan hawak ang Coke float, naglambingan sa pamamagitan nang pagpapakagat kay mahal sa burger o pagsubo ng pagkain sa kaniyang bibig. Hindi nabigo ang mga kaininang ito upang tayo ay pagbigkisin, pasiyahin at higit sa lahat at paibigin. Hindi lamang sa mga taong kasama natin sa tuwing tayo ay papasok sa tindahan nila kundi pati sa pagkain na ating binabalik-balikan.

Thursday, September 29, 2011
Ang Babae Noon sa Modernong Panahon ni Jeremhae Agoncillo
(Sanaysay na naimbitahan bilang ispiker)
Paano nga ba kinikilala ang babae sa lipunan? Ano nga ba ang mga tungkulin at gampanin ng babae sa lipunang atin ginagalawan?
Noong primitibong panahon animo si Maria Clara ang mga kababaihan. Kasuotan ay balot na balot na para bang suman. Sa sobrang konserbatibo, talampakan, braso at mukha na lamang ang makikita mo. Sila'y hindi makabasag pinggan at masunurin sa magulang. Gawaing pambahay at pagtulong sa magulang ang inaatupag. Hindi nakikita na patambay tambay sa labas ng tahanan upang magliwaliw. Ang tanging pinaggugugulan ng oras ay sa tahanan kasama ang pamilya at kung hindi man sa tahanan ay sa simbahan at nagdarasal ng Aba Ginoong Maria.
Modernong panahon ay suriin din. Pananamit ay ibang iba. Kapos na ba ang henerasyon ngayon sa tela? Noon panahon pa ng atin lolo't lola, tela ng kanilang baro't saya ay sobra-sobra, ngayon paiklian sa damit ang labanan ng madla. Kung makasuot ng mini-skirt ay wagas akala mo ay wala ng bukas. Sleeveless kung sleeveless at shorts kung shorts. Dibdib ay lumuluwa na, kuyukot ay nakikita na, mapapasabi na lamang ng "Miss nakikitaan ka na, gusto mo ba ng tela?" Malimit na lamang makakakita ng binibini na ginugugol ang oras sa kanilang tahanan, karamihan ay nasa tamabayan winawaldas ang oras kasama ang kanilang mga kaibigan. Ang iba ay nagsisinungaling, magpapaalam sa magulang na, "Nay, may praktis po kami" o kaya naman ay "Nay, may group project po kami" Ang magulang naman ay maniniwala, ang akala niya'y pampaaralang gawain, sa lakwatsa pala gugugulin.
Panliligaw noon ay mahaba-haba ang proseso. Bukod sa susuyuin si Binibini, kailangan din ligawan ni Ginoo si Mommy at Daddy. Simpleng panliligaw ay hindi kaagad pumapasa, kailangang mapatunayan muna ni Ginoo na seryoso siya. Aakyat ng ligaw si Ginoo, maghaharana't bibigyan pa ng rosas si Binibini, ngunit hindi ganoon kadali, lulusot muna sa butas ng karayom bago makamtan ang maatamis na "OO' na siyang minimithi ng ginoo. Pakipot at isinasaalang-alang ang magulang bago pumasok sa isang relasyon ang dalaga noon. Minsa'y magulang pa ang siyang pumipili sa mapapangasawa ng kanilang anak na binibini.
Uso pa ba ang ligawan sa panahon ngayon? Marahil sa iba ay oo ngunit malimit na lamang itong ginagawa. Ang teknolohiya na nagpapadali, nagpapagaan at nagpapabilis ng gawain pati sa panliligaw ay napapadali na rin. Ang iba ay dinadaan na lamang sa facebook, text at online chat ang pakikipagrelasyon. Hindi na uso ang salitang pakipot, sasabihan lang ng lalaki na gusto niya si babae, bukas o makalawa mababalitaan na magkasintahan na pala.
Kung dati-rati'y si Mister lang ang nagbabanat ng buto sa pamilya, ngayon ay hindi na. Ayaw pahuli ni Misis at madalanang na lamang ang mga ginang na pumapayag na sa tirahan manatili at magalaga ng anak. Katwiran ni Misis, "Para saan pa't ako'y nakapagtapos kung hindi ko rin naman mapapakinabangan ang propesyon na natapos ko?" Ika nga nila, kung kaya ni Mister kaya rin ni Misis.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ang pagusad ng pag-uugali at kultura ng mga mamamayan partikular na ang mga kababaihan hindi man lahat ng pagusad ay nasa positibo, ngunti ika nga nila hindi magkakaroon ng negatibo kung walang positibo. Patunay lamang iyan na ang mga kababaihan ay unti-unting pumapantay sa kalalakihan.

Kasarian ni Jeremhae Agoncillo
(Talumpati pangcontest)
Ano nga ba ang kasarian? Ito ba iyon tanong sa mga dokyumentasyon tulad ng bio-data na kapag M o male ay lalake at F o Female naman ay babae? Ngunit paano naman ang mga taong hindi tanggap ang kanilang kasarian at kanila itong pinalitan, ang ilalagay ba nila ay unknown o kaya naman ay lalagtawan na lamang ang tanong?
Sa panahon noon, pangatlong kasarian ay hindi kinikilala at itinatakwil ng madla. Hindi lang takwil ang kaparusahan, maaaring hatulan pa ng kamatayan at bansagang "Salot ng Lipunan". Kakaunti lamang ang lumalantad at umaamin na kasarian ay hindi tanggap marahil takot sa lipunang ginagalawan.
Sa kasalukuyang panahon, mas maraming lalaking may pusong babae at babaing may pusong lalaking lumalantad, marahil tanggap at patuloy na tinatanggap ng nakararami ang ikatlong kasarian. Ang pagpapakasal sa kaparehong kasarian ay legal sa ilan bansa at estado ng Amerika bagamat sa Pilipinas bawal ang pagpapakasal ng kapwa lalake sa lalake at babae sa babae, marami naman nagsasama o naglilive-in na ang kasarian ay magkaparehas.
Pisikal na anyo niya'y lalake ngunit itinuturing niya ang sarili na babae samantalang pisikal na anyo niya'y babae ngunit itinuturing ang sarili na lalake. Ito'y tinatawag na transekswal. Hindi man nila tanggap ang kanilang kasarian, pisikal nilang anyo noong sila ay ipinanganak ang nasusunod pagdating sa mga dokyumentasyong nangangailangan ng sagot sa tanong na kasarian.
Kasarian nila'y hindi pa man lubos na tanggap sa lipunang ginagalawan, sila naman ay nagbibigay karangalan sa bayan. Salot man ang tingin noon, sila ay ipinagmamalaki na ngayon.

Sunday, September 25, 2011
Ang Basag na Kultura (Sa Aspetong Pag-Aasawa) ni Mara Grace Pinion
Sabi ng mga matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag ika'y napaso. Sa kabila nang sabi-sabing ito ay hindi pa rin nadadala ang mga Pilipino. Siguro maaari nating sabihin na tayo ay nasa makabagong henerasyon at tulad ng wika, ang kultura rin ay dinamiko, nagbabago. Tunay ngang basag na ang kulturang kinamulatan ng ating mga ninuno, wala nang natira ni isa, ni sa maka-Diyos mang paraan.
Simulan natin sa ligawan. Hindi ba't wala pang karapatang maghawakan ng kamay hangga't hindi pa magkasintahan? Oo, iyan ang kalagayan noong panahon nina lolo at lola, subukan mo 'yang gawin ngayon ay ika't mapag-iiwanan. Nariyan na, hinawakan na ang kamay, saan kaya tutungo ang mga kamay na ito? Sa panahon ngayon, ultimo magkaibigan ay naghahawakan ng kamay, patay malisya man o mayroon-- ngunit noong araw, tila sagradong gawain ito.
Ang halik ay hindi basta-basta ibinibigay kung kani-kanino. Ito lamang ay ipinagkakaloob sa taong mahal natin tulad ng ating mga magulang, kaibigan at kasintahan. Ngunit may iba't ibang klase ng halik, sabi nga ay may pasupsop, pahigop-laway, pasipsip-suso, pasiil, paamoy at pasinghot. Kataka-taka na ang mga uri ng halik na ito ay masasaksihan sa mga taong hindi naman magkasintahan. Ang malala ay ginagawa pa ito sa lansangan. Nakahihiya, nakababastos, nakawawalang respeto lalo na sa babae-- ngunit bakit patuloy pa ring ginagawa gayong hindi naman ito ang itinuro ng ating mga magulang?
Kung mayroong isang pinaka sagradong bagay na ginagawa ang mag-asawa ay ang pagtatalik. Dito maaaring bumuo ng bata na siyang magsisilbing kasiyahan ng kaniyang mga magulang. Dito magkakaroon ng mas malalim na pagsasama ang mag-asawa. Oo, mag-asawa at hindi mag-syota o tamang magkasintahan. Hindi rin pinahihintulutan na magtalik ang hindi naman mag-asawa o ang may asawa ng iba. Ngunit kapansin-pansin ang pag-usbong ng mga maliliit na motel. Hindi naman talaga nakababastos ang motorist hotel ngunit dahil sa murang halaga at limitadong oras na paggamit ay inaabuso ito nga mga kabataan.
Diborsyo ang isa sa mga maiinit na isyu sa kasalukuyan. May mga relihiyon na hindi pumapayag na mag-diborsyo. Para saan pa nga bang nanumpa kayo sa harap ng alagad ng Diyos, alagad ng Diyos na nasusulat sa Bibliyang dapat sundin? Bakit babaliin at ipagsasawalang bahala at bisa? Ano pa ang silbi ng sagradong kasal sa mundo kung maaari naman palang makipag-diborsyo kung kailan mo gusto?

Ilan lamang ang mga nabanggit ko sa kulturang binasag ng ating henerasyon. Ang sakit isipin na tuluyan na nating nalimot ang pag-iigib ng tubig, pagbuhos ng laman ng arinola o mainit na tubig, ang pamamanhikan at pagpapahirap ng mga magulang bago tuluyang ipakasal ang anak, ang pagrespeto sa dignidad ng isang babae sa kaniyang pagka-birhen. Oo, wala na ang lahat ng ito, hayag na hayag ang pagkabasag ng kulturang pinundar ng ating mga ninuno.
Subscribe to:
Posts (Atom)