Saturday, October 8, 2011

isyung pangkasarian, ano nga ba ang kaugnayan nito sa katoliko

Sa lipunan ating ginagalawan isa ang relihiyon sa mga dahilan ng pagkakakilanlan ng ating lahi. Madaming umiiral na rehlihiyon sa ating bansa ngunit ang pinakanangibabaw ay ang katoliko. Katoliko na isa sa pamana ng mga kastila sa atin.

Simula pagkabata namulat tayo kung ano ang bibliya, kung ano ang mga nakapaloob dito, sino ang Diyos at ano ang kanyang 10 kautusan. Alam rin natin na nilikha ng diyos ang lalaki para sa babae at tanging dalawang kasarian lamang ang umiiral. Hindi rin pinahihintulutan ng diyos na magkaroon ng pangatlong kasarian kaya sinunog niya ang SODOM at GOMORRAH at dahil doon nawala na ang isyu na ito.

Nang makalaunan umusbong nanaman ang isyung pangkasarian kung saan unti-unti na itong tinanggap ng lipunan. Kahit ito’y natatanggap na ay hindi pa rin mawawala ang iba’t ibang isyu tungkol dito. Isa sa mga isyu na umiiral ay hindi pantay na pagtingin ng lipunan sa mga 3rd sex dahil mas priyoridad pa rin ang lalaki at babae. Nakukuha man ng mga 3rd sex ang kanilang karapatan pantao ngunit hindi nila basta-basta makukuha ang karapatan na respetuhin sila bilang sila sa kasarian na kanilang pinili.

Makikita natin na simula sa panahon ni Abraham ay umusbong na ang ganitong isyu at patuloy pa rin iyon umiiral hanggang ngayon. Unti-unti man ito natatanggap sa kasalukuyan hindi pa rin nawawala ang diskriminasyon patungkol sa kanila.

Paano nga ba masosolusyunan ang ganitong isyu, kung tingin natin sa kanila ay isang laruan lamang. Nilalapitan kapag may kailangan lalo na ang mga kalalakihan. Nakatatak na sa atin na madalas nagpapagamit ang mga lalaki ng dahil na rin sa pera, kung tawagin nga’y kapit sa patalim. Ano ba ang magagawa nila para mapalitan ang kanilang hindi magandang imahen sa lipunan.

No comments:

Post a Comment