Saturday, October 8, 2011

"Ikatlong Kasarian: Susi sa kaunlaran ng Bayan!" ni John Dave Bautista

Kung minsan, atin silang nilalayuan, pinandidirihan at kinasusuklaman. Ang hindi natin alam, sila pala ang magpapaunlad sa ating Bayan.

Sino nga ba ang pinakasikat na bading ngayon sa buong Pilipinas? Si Vice Ganda? Isang komedyante, artista. Eh ang pinakasikat na tomboy? Si Aiza Seguerra? dating childstar, isang mang-aawit. Yun naman pala eh. Pero bakit mababa at imoral pa rin ang tingin sa kanila ng iba? Tanggap na nga ba talaga sila ng lipunan?

Kung ang tingin mo sa kanila ay ganyan, mas lalong para sa iyo ang akdang ito. Alam mo bang posibleng sila pa ang magpaunlad sa bayan? Opo. Totoo, Walang halong biro. Huwag nating maliitin ang kanilang kakayahan. Dahil tulad mo, tulad ko, tao rin sila na dapat tanggapin at irespeto.

Isang halimbawa na rito si Ricky Reyes, isang dating simpleng haircutter. Nasaan na siya ngayon? May iba't ibang salon sa bansa na sa kanya na nakapangalan. Si Joel Cruz na tinaguriang Lord of Scents. May-ari ng kumpanya ng pabango. Si Boy Abunda, isang journalist, manager at mamamahayag. Tumutulong sa mga artista ng bansa. Pero nito lang, Ambasador na ng Turismo ng Pilipinas.

Hindi dahil sila ay nasa ikatlong kasarian ay wala na silang maitutulong sa bayan. Malay mo dumating ang panahon na si Vice Ganda na ang maging pangulo ng Pilipinas. Nakakatawa man sa simula. Pero tatanungin kita, Imposible ba?

No comments:

Post a Comment