Saturday, October 8, 2011

Ipagmalaki natin: kulturang atin

Kung pilipino ka ay ipagmalaki mo dahil sa kultura pa lang ay kinaiinggitan na tayo ng buong mundo.


Tayong mga pinoy ay pulido kung magtrabaho dahil kinilala tayo bilang isa sa pinaka-matiisin, matiyaga, at hindi sumusuko. Ang ugaling ito ang nagdala sa atin upang maging kakaiba at tanyag.


mula sa bahay kubo ay nagkaroon ng bayanihang pilipino. isang kulturang mula sa ating puso. Ang pagtutulungan at pagbibigayan sa bawat isa ay talaga naman hindi na sa atin mawawala, Isa pa sa kulturang atin ang pagmamano, ang paggalang na may tatak nating pilipino. Sa bawat tanong, taas noo ang pagsagot na kakikitaan ng pagrespeto dahil sa salitang atin na PO! at OPO!


Wala na ngang mas nakaaaliw sa pagsalubong at pag-asikaso natin sa mga bisita't giliw. Ang init ng ating pagtanggap ay tunay nga namang sa isip nila'y tumatanim. Tayo lang ata ang sadyang nagpapahalaga sa panauhining hindi natin tinuturing na iba. kapag sinabing PINOY, "hospitable" agad ang kanilang maaalala.

marahil kung iisa-isahin ko po ang kulturang mayroon tayo ay kukulangin ang isang araw upang masabi ang lahat ng mga ito. Opo! ganun karami. Likas na sa atin ang mga kulturang ito, kailan man ay hindi ito mananakaw sa atin at maaangkin ng mga dayuhan.sama-sama nating mahalin at lalo pang payabungin ang kulturang atin. Walang ibang puprotekta sa mga ito kundi tayo rin mismo dahil tayo, tayo Pilipino at buong tapang naipinagmamalaki ito!

(sanaysay para sa politiko)

No comments:

Post a Comment