Ang usapin sa kulturang Pilipino, ay di dapat ipinagsasawalang bahala, ito ay dapat na bigyan ng matinding pansin ng kinauukulan. Sapagkat, ang mga usapin hinggil dito ay maaaring makapagpabago sa ating pagkatao bilang isang produktibong Pilipino.
Ngayong naririto ang lahat, nais kong ipabatid sa inyo ang layunin at tunguhin ng talumpating ito, ito ay upang iharap sa inyo ang paksa ng atig usapan. Alam naman nating tayong mga Pilipino ay may natatanging kulturang makabayan, kaya naman ang lahat ay inaanyayahang maging aktibo sa isasagawang usapan.
Kabilang pos a mapag-uusapan sa gawaing ito ay ang isyung cultural n gating bansa, dahil sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya at modernisasyon, marami po tayong kaugaliang Pilipino ang nawawala na at tuluyan ng nakalimutan ng madla.
Isa sa layunin ng pagpupulonh na ito ay upang talakayin ang mga kaugaliang Pilipino sa nakalimutan na nating isabuhay at ang mga pamamaraan kung paano ito maibalik. Isa din sa mga mapag-uusapan ay ang mga kulturang nanganganib pang mawala at malimot dala ng mabilis na pagbabago ng panahonat ang mga suhestiyon ninyo upang hindi ito tuluyang mawala.
Kaya’t lahat po ay inaasahang makikibahagi sa nasabibg pagpupulong upang ating mapag-usapan ang mga talakayang tulad nito, dahil ako po ay naninindigang dapat po nating pagningasing muli ang apoy ng mga nawalang kulturang Pilipino.
Upang sa darating na panahon ng ating henerasyon, ang kulturang ito’y manatiling buhay sa puso’t isipan ng mga taong may layuning lalo pang mapaunlad at mapanatili ang kaugaliang tunay na atin.
No comments:
Post a Comment