Ang mga Pilipino ay sadyang malaki ang pagpapahalaga sa kanilang pamilya kaya nga't pati sa pagkain sa hapag-kainan ay nakasanayan na nating sabay-sabay kumain sa umagahan man, tanghalian, o hapunan ay matyaga nating hinihintay ang bawat miyembro ng ating pamilya magkasabay-sabay lang sa pagkain. Isa yan sa magandang nakagawian nating mga Pilipino noon pa man. Sana ay mapanatili natin ang ganitong pagsasamahan.
Naaalala ko nung aking kabataan na sabay-sabay talaga kaming nagsisipag-kainan ng aking pamilya kahit pa galing sa trabaho ang aking magulang ay matyaga pa rin namin syang hinihintay dahil ito ay amin ng nakasanayan at masaya talaga sa pakiramdam na kasabay mong kumakain ang buo mong pamilya.Habang kumakain ay masaya at masigla kaming nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa araw na iyon.Dito rin ay napapayuhan at nagagabayan kami ng aming magulang sa kung ano ang mga dapat gawin at hindi dahil sila'y nagtatrabaho sa umaga ay ito na rin ang nagiging oras upang kami ay mag-bonding.
Masaya talaga ang pagsasalo-salo hindi ka lang sa pagkain mabubusog pati na rin sa tawanan at aral na ibibigay sa iyo ng iyong pamilya, sana kahit sa panahon natin ngayon na talagang marami tayong ginagawa at palaging late na tayo umuuwi ay maglaan pa rin tayo ng oras na makasabay natin kahit tatlong beses man lang sa isang linggo ang ating magulang at kapatid. Huwag sanang kakalimutan ang ganito kahalagang nakagawian na ng bawat pamilyang Pilipino. Nawa'y magpatuloy ito sa habang panahon upang ang mga kabataang tulad ko magkaroon ng masayang bonding na nabubuo sa hapag-kainan.
No comments:
Post a Comment