Saturday, October 8, 2011

Anong Pangmalas ng Bibliya Tungkol sa Homosekswal na mga Gawain?

ni: Judcee Mae Dijos



“Hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili mo. Sundin mo na lang ang nararamdaman mo at tanggapin kung ano ka talaga.”


Ito ang karaniwang dahilan ng mga tao anupat hindi na isyu para sa marami ang tungkol sa homosekswalidad. Subalit hinahatulan ito ng bibliya. Sinasabi nito sa atin na lalaki at babae ang nilalang ng Diyos na Jehova at ang pagsisiping ay nilayon niya para lamang sa lalaki at babaing mag-asawa. (Genesis 1:27,28; 2:24) Kaya nga, hindi sinasang-ayunan ng Salita ng Diyos ang homosekswal na mga gawain.


Bilang mga Kristyano, papaano natin mamalasin ang mga homosekswal na mga gawain?


Mula sa ating publikasyon na Manatili sa Pag-ibig ng Diyos, ganito ang sinasabi: “Gaya ng pagkakagamit sa Bibliya, ang “pakikiapid” (Griego, por·nei’·a) ay tumutukoy sa bawal na pakikipagtalik ng mga hindi mag-asawa ayon sa Kasulatan. Kabilang dito ang pangangalunya, prostitusyon, at pagtatalik ng mga hindi mag-asawa gayundin ang oral at anal sex; at ang paghimas sa ari ng isang indibidwal na hindi niya asawa. Kasama rin dito ang gayong sekswal na mga gawain sa pagitan ng magkapareho ng kasarian, gayundin ang bestyalidad.” Ang ang karamihan sa nabanggit na gawain ay ‘salungat sa kalikasan’ ayon sa Roma 1:26,27 na karaniwang ginagawa ng mga bakla, tomboy o bisexual. [basahin sa tagapakinig ang nabanggit na teksto]


Ang pananaw tungkol sa homosekswalidad ay nagkakaiba-iba depende sa henerasyon. Ngunit ang mga Kristyano ay hindi ‘sinisiklot-siklot ng alon at dinadalang paroo’t parito ng bawat hangin ng turo’ (Efeso 4:14) Kundi, nanatili sa simulain ng Bibliya.


Bilang halimbawa, kung ang isang lalaki ay nakadama ng pagnanais na maging babae, anong sanhi ng ganitong pagkadama kung nilayon ng Diyos na tanging babae at lalaki lamang ang kasarian? Oo, ito ay dahil sa pagiging ‘di sakdal ng tao simula ng sumuway sina Adan at Eva sa batas na itinakda ng Diyos sa Hardin ng Eden. Batid natin na dahil sa kanilang pagsuway, pinalayas sila sa hardin at naiwala nila ang taglay na kasakdalan. Dahil doon, ang kanilang mga inapo, kabilang na tayo, ay nagmana ng pagiging ‘di perpekto/ ‘di sakdal at natupad ang parusa na ang tao’y magiging makasalanan, magkakasakit, tatanda at mamamatay.


Gayunman, dahil ba sa hinahatulan ng Bibliya ang gawain ng mga itinuturing na mga homosekswal, mawawala na ba ang resperto natin sa kanila? Hinding-hindi. Pakisuyong basahin natin ang 1 Pedro 2:17 [basahin sa tagapakinig] Ayon dito, dapat nating ‘parangalan ang lahat ng tao’, irespeto natin ang lahat ng tao. Itakwil natin ang gawain ng mga homosekswal, hindi ang mga taong homosekswal. Makitungo tayo sa kanila ng may mainam na pagtanggap ng hindi kinukunsinti ni tinutularan man ang kanilang imoral na paggawi. Kung ngaya ng Diyos na hindi ka sang-ayon sa homosekswalidad, hindi ibig sabihin nito na homophobic ka na.


Karaniwan nang nararanasan naman ng iba ang pagkadama na sila ay bisexual dahil sa sila’y nasa ‘kasibulan ng kabataan’, ang panahon kung kailan sadyang madaling makadama ng sekswal na pagnanasa. (1 Corinto 7:36) Ngunit ikinakatwiran pa ng ilan: “paano sasabihin ng Diyos sa isang indibidwal na nagkakagusto sa kaparehong kasarian na iwasan ang homosekswalidad?” Pero magagawa mong sundin ang pamantayang moral ng Diyos kung talagang nais mo siyang palugdan kahit na hindi kumbinyente para sa iyo ang utos na ito:


“Patayin ninyo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong katawan… may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, kaimbutan, na siyang idolatriya” – Colosas 3:5.



Anu-ano ang tutulong sa atin na manatiling tapat sa simulaing nabanggit?


Mag-isip ng mga bagay na nakapagpapatibay.(Filipos 4:8) Ganito ang sabi ng kabataang si Jason: “Napakalaki ng ng epekto sa akin ng Bibliya – lalo na ang mgat tekstong gaya ng 1 Corinto 6:9,10 at Efeso 5:3. Binabasa ko ang mga tekstong ito kapag nakakaramdam ako ng maling pagnanasa.”


Iwasan ang pornograpya at anumang bagay na may kinalaman sa homosekswalidad. Iwasan ag anumang bagay na pupukaw ng imoral na mga pagnanasa. Kasama na rito ang ilang pelikula at palabas, mga magasin na may larawan ng hubad na mga larawan atmalalaswang babasahin.


Humingi ng tulong mula kay Jehova a panalangin. Ang totoo, walang madaling lunas. Pero kung gusto mong mapasaya ang Diyos, tulad nga ng nasabi na kanina, dapat kang sumunod sa Kaniyang mga pamantayang moral. Kung magsisikap ka, darating ang panahon na mas makokokntrol mo ang iyong mga maling pagnanasan. Huwag mong kalimutan na nauunawaan ng Diyos ang pinaglalabanan mong damdamin at nagpapakita siya ng awa sa mga naglilingkod sa kanya. [basahin ang Hebreo 6:10]


Kaya magtiwala tayo sa Diyos, at labanan ang maling mga pagnanasa anupat nauuwi sa homosekswal na paggawi. (Galacia 6:9) Higit sa lahat, kung iiwas tayo sa mga homosekswal na gawaing ito, may pag-asa tayong mabuhay nang walang hanggan sa matwid na bagong sanlibutan na ipinangako ni Jehova sa darating na paraisong lupa.


(itinulad sa pahayag pangmadla ng panlinggong pulong ng mga Saksi ni Jehova)

No comments:

Post a Comment