Saturday, October 8, 2011

Republika ng mga bakla

Dumarating sa buhay ng tao na siya’y pagkatiwalaan at asahan ng kanyang sariling bayan. Ang mapalakpakan at hangaan sa kanyang mabubuting gawa, ang kilalanin at tingalain na tulad ng mga nagniningning na bituin sa kalangitan at higit sa lahat ay ang kainggitan dahil sa kanyang taglay na kasikatan.

Dati, lagi kong naririnig sa kanila na “ Ang lalaking gipit sa bakla kumakapit “ na alam naman nating lahat na ito ay isang uri ng serbisyong iyong makukuha kay sa malabatong Adonis kapalit ang kakarampot na perang iaabot mo sa kanila. Pantasyang dala di dahil sa init ng laman kundi, bunga ng matinding pangangailangan.

Ito po ang pilit nating iniiwasang mangyari sapagkat ito po’y kasiraan sa ating dangal at pagkatao. Ako po ngayo’y sa inyong paningin ay tumatayo’t tumitindig na may malinis na kalooban na handing ipaglaban ang aking patakbo sa panunungkulan sa bayan upang mapangalagaan ang karapatan ng nakararami at hindi ang pansariling interes.

Oo nga’t, marami po ang sa ati’y di sang-ayon ngunit, pangako kop o sa inyo ay ang pantay na karapatang hinahanap ninyo sa ating bayan. Ito po ang tamang oras upang ipakita nap o natin sa kanila na kung ano ang kaya ng babae at lalaki ay kaya din nating mga bakla. Lalo na sa larangan ng politika at pamumuno sa bayan.

Sama-sama po tayong lalaban at isusulong an gating karapatang malayang makibahagi sa estado ng politika. Dahil alam kop o na hindi lang po tayo pangperya, di lamang po pangparlor at di lamang po para sa mga lalaking pera lang ang sa ati’y habol. Dahil kung gugustuhin po natin, siguradong makakaya po nating lumaban.

Ako po ay naninindigan para sa aking pangangampanya, at kung ako’y papalaring inyong iluklok sa pwesto ay lubos ko pong ikapagpapasalamat. Kaya’t ika’y aking tinatawagan sa aming pakikibaka.

Ang sinasabi ko laman po ay kaya din naming mga bakla na makipagsabayan sa larangan ng pamamahala at politika, di dahil sa gusto lang naming magpasikat kundi, gusto naming ipaglaban ang karapatan na dapat ay mayroon din kami. Samakatuwid, gagawin ko ito upang magkaroon ng boses ang mga tulad naming nabibilang sa “THIRD SEX

No comments:

Post a Comment