Saturday, October 8, 2011

Bakit? anong masama?

" Si jerold" ...ha?Bakit sa tuwing may mali at kailangang sisisihin ay si "jerold po" ang laging isinisigaw ng aming kaklase? Dahil ba sa kilos niyang may pilantik at "graceful" ika nga? o dahil, wala lang gusto lang at napagkasunduan.


Mula ng kami ay nasa unang taon pa lang sa aming programa at kurso ay ganun na talaga ang kilos ni jerold. Natatandaan ko pa na napaiyak siya ng tanungin ng aming dalub-guro ang tungkol sa kanyang kasarian. Bakit? ano naman kung ano at sino siya? Hindi naman niya kami maaapektuhan kung sakaling totoo nga ang hinala sa kaniya ng nakararami. Isa pa ay nasa karapatan niya kung aaminin o hindi, kung meron man.


Ang aming klase ay kinabibilangan ng mas maraming babae. Isang patunay na kakaunti na lang kaming mga lalake. Sa grupo namin ay hindi isang malaking usapin kung sakaling may hinalang nabubuo sa isa naming kaklaseng lalake. Bakit? ano naman kung totoo? wala naman magbabago.


Bago nga ako mapabilang sa programang ito ay kinapanayam ako ng kaibigan ko na ang lahat daw ng lalakeng pumapasok sa programang ito. pag-gradweyt ay nagiging bading. Ang pahayag nyang iyon ay labis kong tinutulan. Marahil ay nagkataon lang iyon at alam kong hindi ako mapabibilang sa mga iyon.


Bakit? Anong masama? Ang pagiging bading ba o ikatlong kasarian ay dapat ng kutsain? Ang maling kaisipang ito ang dapat na binabago.wala ka namang mapapala sa pang-iinsulto, makasasakit ka lang ng damdamin. Tandaan na ang dila ay walang buto ngunit nakawawasak ng puso.


(sanaysay para sa buong klase at kay mam apigo)

No comments:

Post a Comment