Ni: Sarah F. Faulve
Ang buhay ay parang domino kung saan sa una ay nakatayo sila ngunit kapag ito ay nakalabit ng kaunti ito ay matutumba. Ito ay parang Kultura ng mga Pilipino. Noon Sinasabi na ang ating mga ninuno ay mayroon ng mga kultura na sariling atin, hindi hiniram, hindi ginaya at hindi binigay. Halimbawa nito ay panliligaw sa isang babae sa pamamagitan ng paghaharana dito. Noon ang panliligaw ng mga lalaki sa isang babae ay dinadaan nito sa pagkanta na may kasamang pang mga bak-ap (back- up), mga tiga kung tawagin, tiga kanta, tiga gitara, tiga katok ng pinto ng bahay haharanahing babae at marami pang iba. Kultura din ng mga pinoy noon ay ang paglalaro, paglalaro ng mga sinaunang kaugalian at ito ay ang mga larong luksong baka, luksong tinik. Ano nga ba ang pagkakaiba ng laro na ito? Ang luksong baka nga ba ay lumulukso ka sa baka at ang luksong tinik ay lumukso sa mga tinik? ano naman ang pinag kaparehas nito? Ito nga ba ang parehas sillang lumulukso. Maging sa kasuotan, noon ang mga pantalon ng kababaihan ay bitin at ang beywang ng pantalon ay hanggang sa tiyan ng babae. Noon ito ang mga kaugalian ng mga pilipino. Ngunit tila ito ay nakakalimutan na, nagkaroon lang na kaunting pagpasok ng mga kaugalian ng mga dayuhan ay ito ay unti- unti nang nakakalimutan, parang domino na kapag natumba na ay mahirap munang maitayo muli dahil kailangan pa itong simulan sa umpisa upang maitayo muli. Kailan kaya ito matatayong muli?. Na katulad ng isang domino kapag natumba ay maitatayo muli kahit ito man ay mag umpisa pa sa unahan ng laro.
No comments:
Post a Comment