Friday, October 7, 2011

Foodtrip Ni: Angeline Espeso

Foodtrip

Ni: Angeline Espeso

(malayang sanaysay)

Trip mo, trip ko, trip nating lahat ang kumain. Hindi na mawawala sa mga Pinoy ang pagkahilig sa pagkain,. Sa kaliwa’t kanan na tindahan ng mga pagkain, hanap-hanap natin ay ‘yung sulit na, masarap pa.

Mahilig sa foodtrip ang mga Pinoy, siyempre kapag kainan, ‘di mawawala sa ating mga bokabularyo ang magkantsawan ng LIBRE! LIBRE! LIBRE! Pero sa panahon ngayon, ang panlilibre ay nakabubutas ng ating mga bulsa. Kaya kapag nag-amok ang ating mga sikmura at ang tanging meron lamang tayo ay barya, aba! Walang problema! Nandiyan ang mga streetfoods –tinatawag natin na turo-turo ngunit ang totoo’y tinutusok ng stick.

Dala na rin siguro ng kahirapan kung kaya’t naglipana ang mga pwesto at mga nagtitinda ng mga turo-turo para magkaroon ng mapagkakakitaan sa pamamagitan lamang ng maliiit na puhunan na atin naming pinapatulan.

Bakit naman kaya patok ito? Kasi, amoy pa lang , hinilila ka na nito papalapit sa tindahan tapos aantayin mong maging kulay brown ‘yung niluluto ni kuya tapos kapag lumutang na ‘yung inaantay mo saka ka kukuha ng stick tapos tutusukin mo tapos isasawsaw sa trip mong sawsawan, matamis o maaanghang at kapag natikman mo na ay mapapa-want more, more, more, ka pa! Masarap talaga! Para sa akin ‘yun ang foodtrip. Mabisang naitatawid ang gutom ng nag-aamok na sikmura sa murang halaga.

Masasabi kong hindi ka Pinoy kung hindi ka pa nakatitikim na inihaw na isaw, goto, mani, balot, chicharon, fishballs, kikyam, kwek-kwek, tokneneng, pritong manok at iba pa. mga inembentong pika-pika na swak na sa bulsa, swak pa sa panlasa –bahagi ng pagiging henyo ng mga Pinoy sa panahon ng krisis.

No comments:

Post a Comment