Saturday, October 8, 2011

Si Adan noon, ngayo'y Dana

Mula pagkabata mayroon ng katauhan
Kalahi ni Adan ang syang turan
Kanyang magulang maligayang tunay
'Pagkat anak ay lalaking isinilang
Habang panaho'y nagdaan pagbabago'y
Hindi pa namamalayan


'Di sinasadyang kanyang natuklasan
Pagkahilig dapat sa baril-barilan
nabaling sa bahay-bahayan
Lalong lumala ng kamisetang pag-aari
pinalitan ng blusa ng nanay
Araw ay nagdaan at pagkalito'y mas nadagdagan


Pagtuntong sa sekondarya
Kanyang natuklasan, sya pala'y may karamay
nagkaroon ng maraming kaibigan
tulad nya'y naguguluhan
Sabay-sabay nilang hinarap at tinuklas
Misteryo ng kanilang katauhan


Sila pala'y hindi kalahi ni Adan na syang turan
Kanilang kasarian ay binigyan ng sariling katawagan
Masama man sa pandinig ngunit ito'y tanggap nilang tunay
Bakla daw kung sila'y tawagin ng mga walang alam
Pangungutya ang natamo sa'kanilang pagbabagong anyo
Ngunit sino sila upang sila'y pagtawanan


May sariling damdamin hindi man ng kay Adan
Ngunit tulad nati'y marunong masaktan
Sana dumating ang panahon
Tulad nila'y matanggap ng lubos
Hindi man bilang ADAN ngunit bilang
DANA na bago nilang katauhan


No comments:

Post a Comment