Saturday, October 8, 2011

Ang Pagmamahal ni Jeremhae Agoncillo


 (Sanaysay na Malaya)

     Ang pagmamahal ay isang simpleng salita na maraming kahulugan. Mahirap man ipaliwanag ang kahulugan, ipapaliwanag ko ito sa simpleng paraan. 



     Naitanong ko sa aking kapatid kung ano ang pagpapakahulugan niya sa salitang pagmamahal at kanya itong naisagot, "Ang pagmamahal ay isang salita na nagdudulot ng kaligayahan ngunit nagpapaiyak at nagpapahirap din sa kalooban." Para sa tineydyer na kagaya ng kapatid ko ganito ang pagpapakahulugan niya sa pagmamahal. Marahil para sa kanya at para na rin sa iba kaakibat ng pagmamahal ay ang pagpapasakit sa kalooban. Ika nga nila ang pagmamahal sa kapwa ay hindi puro saya ang idinudulot. 

     Ang pagluwal ng ina sa anak ay matuturing na pagmamahal. Ang isang ina itinaya ang kanyang buhay para sa kanyang anak. Ang pagaaruga ng mga magulang, ang pagpapalaki nila ng wasto sa kanilang anak ay pagmamahal. Sila na laging nandiyan para sa anak ay maitututing na pagmamahal.

     Ang kaibigan na laging nariyan. Hindi lamang sa sarap at sa kaligayahan sila'y laging nakakasama, sa hirap man ay present din. Sa kahit anu man pagsubok na dumating, basta't sila'y kailangan kanila kang tutulungan. Ang simpleng pagdamay at pagpapasaya nila ay sapat na. Kung minsan pa nga'y ginagabi ng uwi masamahan lamang ang kaibigan. Ang presensya nila ay nagdudulot ng kaligayahan. Iyan ang tunay na kaibigan. 

     Ang pagmamahal sa taong nais makasama panghabambuhay ay isa sa pangkaraniwang pagpapakahulugan o persepsyon sa pagmamahal. Kung ika'y lalaki at ayon sa kultura ang sinseridad ng lalaki ay makikita kung papaano ito manligaw sa mga kababaihan. At ang simpleng OO lamang ng dalaga sa binata ay nagpapakita ng pagmamahal ng babae sa lalake. 

     Ang tunay na pagpapakahulugan ng pagmamahal ay nakabase sa karanasan. Kung mahilig ka manood ng telenobela na isa sa bahagi ng kwento ay iyong pagsasakripisyo ng buhay ng isang tao sa kanyang minamahal ay masasabing tunay na pagmamahal, ika nga nila, Love is sacrifice. Makita mo lang na masaya ang taong mahal mo, oks na iyon para sa iyo. Ang pagpapakahuluigan ng pagmamahal ay nakadepende sa tao at sa karanasan niya na may kaugnay sa salitang ito. 

No comments:

Post a Comment