Piyesang Pangtalumpati
Kasarian: Sukatan ba ng ating Pagkatao?
“Ang kasarian ay hindi sapat na batayan upang husgahan ang kakayahan, abilidad at karunungan ng isang tao. Hindi rin ito ang sukatan ng kahalagahan ng tao sa mundo”.
Sa mga panauhin, sa aking pinipitagang mga guro, sa aking mga kapwa mag-aaral, sa lahat ng naririto, mga binibini at ginoo, malugod na pagpupugay po ang bati ko.
Nabanggit ko ang salitang binibini at ginoo. Hindi ba’t itong dalawang uri ng tao lamang ang nilikha ng Diyos? Batid nating ang binibini ay si Eba at si Adan naman ang ginoo. Ngunit saan nga ba nabibilang ang mga bakla at tomboy? Matanggap kaya ng Diyos na ang nilalang niyang si Eba ay nagnanais na maging si Adan at ang kanyang nilikhang si Adan ay gusto namang maging si Eba?
Ang mga bakla at tomboy ay nabibilang sa mundo ng “homosekswal”. Ito ay pagnanasang sekswal ng isang indibidwal sa kanyang kaparehong kasarian. Dulot nito ang pagbabago ng kanyang pag-uugali, kilos, pananalita maging sa pananamit na tulad ng kataliwas niyang kasarian. Sinasabing ang isang tao ay maaaring maging bakla o tomboy dahil sa impluwensiya ng kanyang kapaligiran na unang nagsisimula sa tahanan hanggang sa lipunang kanyang kinagagalawan.
Gayunpaman, nakaaapekto ba ang kasarian sa papel na ginagampanan natin bilang tao? Hindi mo masasabing ang ginagawa ng isang tunay na lalaki ay hindi kayang gawin ng isang bakla at ang mga gawaing pambabae ay hindi kayang gawin ng isang tomboy. Minsan pa nga’y nahihigitan pa nila ang kakayahan ng isang tunay na lalaki at babae. Hindi rin natin masasabing ang pag-unlad sa buhay ng tunay na lalaki’t babae ay hindi nila kayang matamasa. Minsan pa nga, sila pa ang nagtatagumpay.
Napakaraming kabilang sa homosekswal ang matagumpay ngayon sa buhay sa iba’t ibang larangan—mula sa pag-aartista, pagnenegosyo maging sa politika. Isang patunay ang negosyanteng si Joel Cruz na nagmamay-ari ng Aficionado perfume. Dahil sa halimuyak ng kanyang pabango, isa na siya ngayong bilyonaryo at talaga namang tinatangkilik ang kanyang produkto hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang nagmamay-ari naman ng pinakasikat na salon sa bansa na si Ricky Reyes ay isa pang patunay. Sino nga bang hindi nakakikilala sa sobrang sikat ngayong komedyante na si Vice Ganda? Hindi ba’t palong-palo ang kanyang mga banat at halos mangawit ang mga panga natin sa kahahalakhak? Si Aiza Seguerra naman na tinaguriang child superstar noong dekada ’80 ay patuloy nating hinahangaan bilang artista at mang-aawit. Ang impersonator namang si Terry Aunor ay isa ng board member ngayon ng Zambales.
Hindi ko iniaangat ang mga homosekswal upang maliitin ang kakayahan ng isang tunay na babae’t lalaki. Ang nais ko lamang ay wasakin ang diskriminasyon na tila humahadlang sa ating kapatiran bilang tao na nilikha ng Diyos. Masasabi kong ang kasarian ay hindi ganoon kahalaga sa usapin ng pagiging totoong tao. Ano man ang iyong kasarian, mapa-lalaki o babae ka man, bisexual o homosexual, ang mahalaga ay ang pagpapakatotoo at ang mga nagawa mong kabutihan hindi lamang upang paunlarin ang sarili mo kundi maging ng kapwa mo.
Lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng Poong Lumikha ano man ang ating kasarian. Siyang maalam tumingin ang tanging makapaghuhusga kung karapat-dapat tayong makapasok sa kanyang kaharian.
Muli, isang pinagpalang araw po sa ating lahat!
Galing nyo po
ReplyDeleteI'm Sonja McDonell, lesbian, 23, Swiss Airlines Stewardess with 13 oversea towns, very tender & with much fantasies in emergency cases in my wonderful job. I've just read your message in the philipines lesbian page. Oh yes, lesbian relations are an established part in the worldwide society since the early 1900. We've some cells in our brains in a young age, wich so called normal girls don't have. These cells become active during the early puberty, mostly with 10-12 years old. They can never be erased & it's important to keep them active. There're many natural products, which activate our sensibles body parts. Can we discuss our desires & experiences?
ReplyDeleteRegards
Sonja in sonjamcdonell@yahoo.com
Thanks for this :)
ReplyDeletethanks for this. .
ReplyDelete