Showing posts with label mitzy. Show all posts
Showing posts with label mitzy. Show all posts

Thursday, September 29, 2011

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE

Si EBA?

(limang katangiang kung papaano mo mapatutunayang isa kang babae)

Ni: Mitzy Kaye (^_~)

Isa ka rin ba sa mga magpapatunay na masayang maging babae? Aminin mo! Pagka’t tayo’y nagtatagalay ng mga katangiang sa atin lang matat agpuan. Gusto mo bang malaman? Malay mo ang isa sa mga ito’y tinataglay mo.

MATULUNGIN. (sa usaping bayanihan). Ito ang isa sa mga ipinagmamalaking katangian ng mga kababaihan. Pagkat ditto mo makikita na kahit hikahos na minsan sa buhay ay mas inuuna pa ang kapwa kaysa sa sarili. Dito mo mapatutunayan ang kasabihang “Sa gitna ng unos, kapag may nangangailangan lagging bukas-palad at handing tumulong.

MAHINANG LOOB/MARAMDAMIN. Kahit pa sabihin mong “matatag ako!” hindi maglalaon bibigay ka din.

MAPAGMAHAL. Sobra-sobra kung magmahal ang isang babae lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang tinatangi.

MALAPIT SA PAMILYA. Likas sa mga kababaihan ang pagiging malapit sa pamilya. Bakit? Bukod sa ito’y itinuturing na “ilaw na tahanan” sapgkat dito siya kumukuha ng lakas. Ang pamilya ang unang tkbuhan kapag nangangailangan. Anumang unos ang dumating lahat ng ito’y nakakaya dahilsa kanilang suporta.

At higit sa lahat, hindi maikukubli ang pagiging MALAPIT SA ATING PANGiNOON. Naniniwala kasi tayo na ang panginoon ay lagging nariyan upang gumabay at hindi tayo paababayaaan kahit ano man ang mangyari. Ipinauubaya kasi natin ang lahat sa kanya ang lahat lalo na sa mga problemang hindi natin kayang lutasin.

O, ano nasasaiyo ba ang lahat ng mga ito? Sabi ‘ ko sayo’ e… Masayang maging EBA.

“Mariang Dilag”

(Sanaysay na inilalarawan ang simbolo at papel ng isang babae sa lipunan)


Sa panulat ni: Mitzy Kaye

Kilala mo ba si Maria Clara?, ang babaeng lubos na tinatangi ni Crosostomo Ibarra? Si Melchora Aquino? O mas kilala sa taguring ‘Tandang Sora’? Si Gloria Diaz? Ang kauna-unahang babaeng Filipina na nagwagi sa patimpakak na MISS UNIVERSE? Ang nagpamalas ng husay hindi lamang sa pagsagot ng katanungan kundi ang pagpapkita ng tunay na kagandahan ng isang Filipina. Ang dating Pangulong Cory Aquino? Ang kauna-unahang babaeng naging Pangulo ng bansa. Ang mga ito’y nagpapatunay na ang kababihan ay may kakayahang makilahok at makipagsabayan di lsmsng sa larangan ng pandaigdigang patimpalak ngunit ang tunay na Filipina ay sumisimbolo sa larangan ng politikal,sosyal at kultural na isyu.

Bilang isang dalagang Filipina, hindi masusukat ang iyong kahalagahan pati ang kadakilaan sa pagpapamalas lang ng kabaitan, kasipagan at pagsunod sa mga kultura’t kaugalian kundi ang pagpapahalaga ng iyong kapurihan bilang isang birhen. ‘Kapuri-puri ang isand dalagang walang bahid ng dugo hanggat hindi ito ikinakasal sa kanyang irog. Kapuri-puri ang babaeng kailanma’y hindi isinuko ang kaluluwa sa lalaking hindi niya minamahal ng lubos”, mga katagang hindi ko kailanman malilimutan na isinambit ng aking inang.

Ang pagpapaalam upang hingin ang kamay ng isang dalaga sa kanyang mga magulang ang pinakamahirap na Gawain ng isang binatang umiibig. Napaka-pihikan ng mga kababaihan. Noon yun! Sadyang kayhirap.

Nabasa ko lamanng ang mga ito ha ang iba nama’y napanood ko. Sinasabing kung manliligaw man ang isang lalaki ay kinakailangang isagawa niya ito sa ika-7 ng gabi, haharanahin ang dilag. Pagkatapos ay bibigyan ng tatlong pulang rosas na sumisimbolo ng salitang “I love you” o ”mahal kita ” at tsokolate. Di ba nakakakilig? Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag kinakantahan ka ng iyong manliligaw at gagawin niya ang lahat-lahat makuha lamangang matamis mong “OO”.

Sa panahon ngayon, marahil ang tradisyong ito’y hindi na nakikita o kung hindi man ay iilan na lamang ang nagsasagawa. Yung tipong “trip trip na lamang maiba lang?”. pansinin mo rin na bibibhira na lamang ang mga babaeng pihikan. Ngunit masasabi ko lamang “nanalaytay pa rin sa ating dugo na ang isang babaeng Filipina ay may angking kagandahan at pinahahalagahan ang kapurihan pati ang dignidad”.

Isipin mo na

TAO DIN NAMAN AKO!!!!!!!!!

(isang tula mula sa mga 3rd sex)

Sa panulat ni: Mitzy Kaye (^_`)

“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang mga bagay na ayaw mong gawin din nila sa iyo”.

---Confucious-----

Sabi nila, “Salot ka sa lipunan!”

Hindi ko kasalanan kung ipinanganak ako ng may lawit,

Dahil ang idinidikta ng puso ko’y “Bakla, pusong babae ka!”

Sa aking pananaw, wala naming masama sa ginagawa ko,

Pagkat wala akong sinasagasaang tao.

Sabi ng mga tambay as amin, “wheew!, bakla magkano ka?”

Nakakukulo ng dugo ano?,ang sarap sabihan ng “Napaka-walang hiya niyo!”

Pero hinayaan ko na lang baka pag’ pinatulan ko lalo pang lumala ang sitwasyon.

Ang sakit sa loob! Niyurakan ang buong pagkatao ko.

Natatakot akong lumaban!1

Napakasakit marinig ng mga katagang iyon.

Ganun ba ang tingin nila sa mga tulad namin?

Tao din naman kami at tulad ng iba,

Mayroon din kaming karapatan,

Karapatang mamuhay sa lipunang aming ginagalawan ng mapayapa at pantay sa paningin ng iba.

Tanong ko lang ha? Mababang uri ba ang tingin niyo sa amin?

Huwag ninyo kaming husgahan sa aming panlabas na kaanyuhan,

Bagkus kilalanin niyo kung sino at kung anong nasa kalooban naming!

Tao rin naman kami, may pakiramdam at marunong masaktan.

Kaya’t igalang niyo an gang mga tulad naming naaayon.

Kilala mo si Kung Fut’zu(Conficius) di ba?

Ang dakilang pilosopo mula sa bansang Tsina?

Nalalaman mo ba ang kanyang pinakatanyag na kasabihan?

Kung OO, salamat naman at alam mo.

At kung HINDI, alamin mo at nang malaman, maramdaman mo ang kirot na dinarama ko!