Saturday, October 8, 2011

Ano ang mas mahalaga Career o Pag-ibig? (ano ang iyong mas uunahin?)


Sa panahon na ngayon na marami ang naghihirap at walang hanap-buhay ay may kaibigang biglang nagtanong sa akin, ano na daw ba ang mas mahalaga sa akin ngayon ang pagkakaroon ba ng magkaroon ng career o ang magkaroon ng taong magmamahal sa akin? ang isinagot ko ay pareho bakit hindi ba pwede na habang may career ay may inspirasyon? ang sagot nya ay hindi daw pwede na pareho ko silang piliin dahil hindi ako magkakaroon ng konsentrasyon kapag dalawa ang priority ko. Dito ay napaisip ako ano na nga ba ang mas mahalaga nagyon pag-ibig o hanap-buhay o sa ibang salita ''pera''.

Naniniwala ako sa kasabihang ''opportunity knock once'' kaya kapag nasa harap mo na dapat kunin mo na at huwag ng palagpasin pa kundi ay hindi na ito muling kakatok sa pintuan mo, kaya kung may kumatok sa pinto ko ito ay hinding-hindi ko palalagpasin dahil di biro ang magkaroon ng oportunidad sa bansang ito na maraming naghihirap dahil walang trabaho at inuna ang pagkakaroon ng pamilya kesa ang maghanap-buhay kaya ayan walang makain at walng maayos na tirahan. Ang pag-ibig maaari naman yang makapaghintay wag tayong magmadali dahil hindi naman mauubos ang kalalakihan at kababaihan sa mundo , dapat ay maging matalino na tayo at unahin ang pagkakaroon ng stable na pamumuhay bago ang pag-aasawa ng wala sa tamang oras at panahon.


May kasabihang ''true love waits'' kung isa kayo sa naniniwala sa kasabihang yan masasabi kong kayo ay nasa tamang prinsipyo dahil ang tunay at tapat na pagmamahal ay hindi minamadali bagkus ito ay pinatatatag ng panahon. Sa mga argyumento ko sa itaas ay masasabi ko at mahihinuha nyong career mas pinili ko , di dahil sa pera lang ang habol ko at pagyaman kundi dahil gusto kapag pag-ibig na ang priority ko masasabi kong stable na ko financially & emotionally at kaya ko ng harapin anuman sususnod na mangyayari sa aspeto ng pag-ibig na pipiliin ko.


Maging matalino wag padalos-dalos dahil dyan maraming napapahamak at nagsisisi lalo na sa mga kabataan ngayon mapa-babae o mapa-lalaki man. Ang pagpapaunlad muna sa ating mga sarili ang isipin at hindi ang kuryosidad sa isa't-isa may tamang oras at panahon para dyan. Tandaan lamang na hindi ka mabubusog ng pagmamahal pag tyan na ang kumalam kaya para sa ting mga kabataang Pilipino ''make progress and dont make love (not yet )'' ang dapat isaisip!

No comments:

Post a Comment