Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya. Yan ang aking kurso. Yan ang kurso ko, kasi, "NO CHOICE" Di lang naman ako ang nagsabi nyan, pati mga kaklase ko, sinambit yan. Kaya nga masasabi kong naging "intact" kami sa isa't isa. Magkakaiba man kami ng mga katangian at hilig, nagkakaisa naman kami sa mga suliranin, lalo na sa mga pahirap na "minor" na nag-pi-piling "major". Kung minsan, di maiiwasan ang magkairingan, lalo na sa mga panahong nagkakagipitan, yung tipong parang nagkakaiwanan sa ere. Pero gayunpaman, hindi matatapos ang araw, na hindi nagkakaayusan.
Kami ngayo'y nasa ikalawang taon na, nairaos na ang unang taon ng kalbaryo ng pagigin kolehiyo. Sa loob ng aming unang taon, marami nang pagsubok ang aming napagdaan. Isa na nga rito ay yaong paglalakad namin sa "INC" naming matka sa isang maynor. Sama-sama naming nilakad ang mga papel na kailangan papirmahan at sama-samang pinatunayan na hindi kami dapat binigyan ng ganoong marka. Sa pagtutulungan namin, nagbunga naman ng maayos ang aming mga naging sakripisyo.
Sa aming halos dalawa at kalahating taon pa na magsasama-sama, sabay namin kakaharapin ang mga pagsubok at pagtitibayin pa ang mga nabuo naming pagkakaibigan. Sabay-sabay at sama-sama kaming aangat at magtatagumpay sa aming buhay!
(sanaysay pangklase)
No comments:
Post a Comment