Mahirap mamuhay sa lipunang mapangmata, ang bawat kilos mo tila may malaking ibig sabihin sa kanila ,binabantayan at tila sinusuri ang bawat mali mong ginagawa. Minsan mapapasadlak ka na lang at masasambit “bakit sila ganyan ?”. Isang tanong na ang sagot ay tila hindi rin maintindihan.
Ang mabuhay bilang isang taong hindi tanggap ng marami ay isang pasakit, halimbawa na lang ditto ang pagiging bakla, sa panahon ngayon may maliit na liwanag na sumisilay sa pagtanggap sa kanilang uri , sa ibang parte sila ay yaong tampulan ng tukso at dahilan ng kasiyahan sa mga mapang api , sa mga seryosong tao naman ay sila ay iyong mga pasakit at di dapat gayahin.
Totoong sa may ambag sila sa pagsibol ng imoralidad sa bansa ngunit hindi bat wala nito kung walang diskriminasyon sa uri? Isang malaking di pagkakainitindihan hatid na rin sa impluwensya ng relihiyon , ngunit isipin natin ito, ang konsepto ng pang didiskrimina ay galing na rin mismo sa simbahan, ang hindi pagtanggap sa uring ito ang nagbunga ng imoralidad ,ang pagpigil sa kalayaan ng indibidwal ang na maging Malaya ang syang nagtulak dito upang mabuhay ang pag aasik at gumawa ng imoralidad. , tao pa rin sila kung susumahin , bakit kailangan lagyan ng tabing ang kanilang pagkatao ? upang maitago ang kanilang pagkatao ? bakit sinasakal sila ? upang di maglayag at dumami ? o baka naman upang mapagtakpan ang kanila ring pagkakasala na kahit sa mata ng dyos ay masyadong ,masakit ?
Buksan natin an gating mga mata ! hindi sinasabi ng akdang ito na makasalanan ang IBA , bagkus ay niyaya ang lahat na magpakatotoo sa kanilang sarili , na ang pagkataoy walang pinipili kundi ay ginagampanan . nararapat na mas unahin ang mas mabigat na bagay kesa ang pandudusta ng kalahing tao rin .
No comments:
Post a Comment