Kultura na nga sigurong maituturing ang pagiging palangiti natin, at hindi bahagi ng kultura natin ang pagkakaroon ng pangatlong kasarian. Bakit ko nasambit bigla yaon? Sapagkat kahit marami ang may ayaw sa kanila, ay nakakapagdulot pa rin sila ng ngiti sa labi nating mga Pinoy, hindi lang isang simpleng ngiti, ngunit ligaya na pumapawi ng kahit panandalian sa ating mga suliranin. Marahil sila'y hindi taggap ng karamihan, ngunit saan ba sila dapat lumugar? Tao rin nmaan sila, may puso't damdaminng marunong masaktan. Napapangiti nga nila yaong mga taong may kinakaharap na problema, ngunit naisip rin ba ng mga taong ito na sila'y mayroon ding mga sarili problemang kinakaharap? Mahorap[ ang mahusgahan lalo sa lkipunang iyong ginagalawan. Di mo alam kung kanino ka pakakampi, o kakapit na lang sa iyong sarili.
Ligaya na ngang maituturing ang sila'y sa atin nagpapangiti. Kahit pa sabihing sa lipunan sila'y salot, may naitutulong pa rin. Salot mo na nga bang ituturing ang mga taong walang ginagawa kundu ang magpasaya at magpaligaya?
Sla'y mga tao rin, marahil sila'y lumugar lamang kung saan sila'y makakaramdam ng kaligayahan at hindi para alipustahin ng sinuman.
No comments:
Post a Comment