Tirik ang araw, katatapos lamang kumain at kaysarap magpahinga at matulog. Ito ang mga eksena tuwing magsisimula ang aming klase sa Retorika. Retorika:Isang Masining na Pagpapahayag. Isa ring pangunahing aralin bilang mag-aaral ng kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Ikalawang Taon. Sabi ko sa aking sarili, pag-aaralan at pagbubutihin ko ang Retorika dahil naniniwala akong hindi magiging buo ang aking pagiging isang mag-aaral kung hindi ko ito mapagtatagumpayan.
Kasabay ng pagbubukas ng klase, habang patuloy na nag-iingay ang aking mga kamag-aral sa aming muling pagkikita, isang may kalusugang Ginang ang pumasok sa aming silid. Si Gng. Maria Victoria Apigo, ang aming propesor sa Retorika. Isang napakalaking karangalan para sa akin bilang isang estudyante ang maging isang mag-aaral niya sa ilalim ng Araling Panretorika.
Sa pagtakbo ng panahon, kaalinsabay ng mga gintong aral sa Retorika ay napatunayan kong isa si Gng. Apigo sa may malaking maitutulong sa akin upang lubos na mapahusay ko ang aking sariling kakayahan sa pagtupad ng aking pangarap nna maging isang Disc Jockey o DJ sa isang istasyong Panradyo.
Tandang tanda ko pa nang ako ay nag-ulat sa klase tungkol sa Pangangatwiran upang manghikayat ay alam ko sa aking sarili na wala akong sapat na kahandaan o preparasyon sa araling aking tatalakayin ngunit laging nariyan ang malusog na Ginang upang umalalay sa bawat sumasalang sa Graded Recitation. Nagagawa niyang hindi mapahiya ang humaharap sa klase . Nililinaw at lubos na pinadadali sa iba't ibang paraan o halimbawa ang bawat aralin. Kaya't buong galak na natutuwa ang klase dahil alam naming wala kaming dapat na ikatakot o ikakaba hangga't hindi namin napababayaan ang aming responsibilidad sa kanya.
Nahihirapan man kaming idilat ang aming mga mata laban sa mapanuksong antok, hindi naman nagpapatalo ang angkinh husay at talino ni Gng. Apigo upang kami'y gisingin mula sa pagkakahimbing ng aming mga isipan. Kaya kay Gng. Malusog, Saludo po ang buong klase ng ABF II-1 sa inyo. Hindi man po kami ang pinakamahuhusay at pinakamatalinong klase para sa inyo, isa po kayo sa mga propesor na pinakanirerespeto at minamahal namin ng totoo. Nawa'y mas maraming kabataan pa po kayong matulungan at mabahaginan ng inyong kahusayang taglay. Isa po kayong bayani! Maraming salamat kay Ginang Malusog.

No comments:
Post a Comment