Isang mapagpalang araw sainyong lahat
Mapababae o lalaki man, pantay-pantay tayo sa paningin ng Diyos.
Sa kursong ito, dominante ang mga babae lalo nasa klaseng ABF 2- at mabibilang mo lang saiyong mga daliri kung ilanang lalaki. Minsan ang mga lalaking ito ay sinasabi pang mga BAKLA sapagkat sa kanilang mga kilos at galaw ay makakitaan sila ng pagiging BI.
Marahil dominante rin ang babae sa klase at bilang lamang ang lalaki, hindi kami nagpatalo sa kanila, ipinakita rin ng mga kababaihan ang kanilang kalakasan at kahinaan, ganoon rin naman ang mga kalalakihan.
Isa sa mga dahilan ng pagbuklod-buklod ng mamamayan ang relihiyon na kahit maraming umiiral sa bansa may Diyos na pinapakinggan.
Mayroon rin iba’t ibang relihiyon na umiiral kaya kahit iba’t iba kami ng mga relihiyon hindi naman ito dahilan para tapakan naming ang karapatan ng bawat isa na sambahin at paniwalaan ang kanilang relihiyon.
Isa rin sa mga naging isyu sa pagitan ng ABF at ABE ay ang paggamit ng wika. Sabi nga nila, nagpapakadalubhasa man tayo sa magkaibang wika iisa pa rin ang ating layunin. Wika na dapat tayo’y nagkakasundo. Nagkakasundo hindi lamang dahil tayo’y nasa isang kolehiyo kundi tayo’y isang Pilipino at kaya natin patunayan na mapaABF o ABE o kahit saan pang kolehiyo ay marunong gumamit ng wikang ingles at filipino.
Hindi naman ito naging malaking isyu lalo na sa amin klase sapagkat tanggap naman naming ang bawat isa sa kabila ng pagkakaiba.
No comments:
Post a Comment