ni: Sarah F. Faulve
Neneng ito ang tawag nila sa akin.
Tawag ng lahat ng taong nakakakilala sa akin.
Kahit hindi nila ako kilala.
Pangalang neneng pa rin ang sinasabi nila.
Yan ang tawag nila s akin.
Minsan naisip ko, bakit ng ba neneng?
Bakit neneng ang tawag nila sa akin?
Ito ba ang sumisimbolo ng aking kasarian?
Ito ba ay sumisimbolo ng aking pagkabata?
O sumisimbolo ng aking pagiging inosente?
Inosente, inosente o walang alam ang turing nila.
Sunod dito, sunod doon ang gawain ko noon.
Dahil sa walang alam si neneng,ganoon nalang nila abusuhin?
Bakit nga ba inaabuso si neneng?
Neneng na walang alam at isang babae lamang?
Ngunit ngayon si neneng ay hindi na ganun.
Neneng na may alam na sa mundo.
Mundo na pinaiikutan ng ibat- ibang tao.
Taong nang aabuso sa kakayahan ni neneng.
Neneng na iisang babae lamang noon.
Babaeng puno at umaapaw ng kaalaman.
May pakialam s mundo ng lahat.
May obligasyon sa mundong kanatitirikan.
May pagmamahal sa mundo.
May katapatan sa mundo!

No comments:
Post a Comment