Kaming mga bakla, ay maraming kapakinabangang naidudulot sa tao at lipunan. Sapagkat, kung wala kami, di maligaya ang mga magkakaibigang araw-araw ay magkakasama sa pagpasok at pag-uwi galling ng paaralan. Kami na madalas na nagdadala ng kasiyahan sa inyo at nagpapatawa sa inyo hanggang sa sumakit ang inyong tiyan ay lubos na kapakipakinabang.
Nagiging kapaki-pakinabang din kami dahil sa madalas kaming takbuhan ng mga papang walang pandate sa kanilang mga mama, pero madalas talaga kami ang prumutor ng lahat ng kasiyahan sa magkakaibigan.
Simula sa pango-okray at pagpapatawa ng malupit siguradong marami ang nakarereleyt. Dahil sa aming likas na pagkamadaldal lahat siguro halos ay gusto kaming makasama. Ang aming pinakatambayan, syempre sa parlor, kung saan ditto kami ang reyna at may maayos na pagkakakitaan, sa perya na kami lagi ang ibinabandera na tulad ng isang sirena at siyokoy na pinagtatawanan pero hinahangaan sa mga kilos naming kagila-gilalas, at sa mga comedu bars, na madalas puntahan ng mga lalaki’t babae, mga bakla at tomboy upang magpalipas ng oras at makadama ng kahit kaunting kaligayahan at kasiyahan sa pamamagitan ng pakikinig sa aaming banat sa ”in na in.”
Daig pa naming ang mga clown sa pagpapatawa, kaya’t ang masasabi ko di magiging Masaya an gating perya, parlor at mga bar kung wala kaming mga bakla. Oo nga’t madali tayong nakapagpapasaya ng mga taong nakapaligid sa atin dahil sa mga flowers, chocolates at stuff toys na natatanggap natin mula sa kanila di naman nito matatawaran ang kaligayahang dulot naming mga bakla sa kanila.
Ang gusto kong bigyan ng diin ditto ay ang kalighayahang aming naibabahagi bilang kapakinabangang natatamo sa amin n gating lipunan sa mga parlor, perya at mga bar, at di nito sakop ang pribadong pamumuhay ng mga tao sa ating lipunan.
Oo, kami nga’y nagbibigay kasiyahan, ngunit, di ibig sabihin nito’y puro kasiyahan lang an gaming ambag sa lipunan, dala lang soiguro ito ng mga pagpapatawang aming ginagawa ngunit, mayroon pa kaming ibang maiaambag di lang sa pagpapatawa pati na rin sa ibang aspeto ng buhay. Dahil tulad niyo, tao rin po kami.
No comments:
Post a Comment