Saturday, October 8, 2011

Dear Maam/Sir ni Shara Mae Perez


Mula sa ating pagkabata,meron na tayong kinikilalang pangalawang magulang,ito ay ang ating mga guro. Ang kasama natin higit pa sa ating nanay,tatay,lolo,lola o sinumang kadugo,sila daw ang pangalawang  higit na nakakakilala sa atin,buong araw ba naman nila tayong kasama ,sila ang mga taong kahit binata o dalaga pa lang ay marami ng guhit sa noo dahil sa mga kalokohang ating ginawa, ngunit sa kabila nito masigasig pa rin silang gigising sa pinakamaagang oras sa umaga upang ihanda ang mga bagong leksyon para sa atin ,mag iisip ng mga bagong paraan upang hindi tamarin sa klase ,pero hindi lang ito ,malaki ang impluwensya nila sa paghubog ng ating pagkatao, mga pangaral nilang hindi nakalagay sa lesson plan kundi sa kanilang mga puso ,mga pangaral na siguradong tatak sa ating puso’t isipan at dadalhin sa pagtahak sa susunod na hamon sa ating buhay.

Masarap balikan ang mga oras na kasama sila ,sila yung akala mo masungit pero banding huli parang kaibigan mo nalang, halimbawa nito ay yung kapit na kapit ka sa saya ng nanay mo dahil sa ayaw mong pumasok dahil gusto mong manood ng bananas in pajamas sa telebisyon pero dahil kay teacher at sa kanyang masarap na kendi ,tahimik ka ng nakaupo at handing mag aral, minsang ding heto at  nawalan ka ng baon at gutom na gutom pero dahil kay teacher ay may sigala ulit mag aral dahil sa pagkaing binigay nya, at syempre minsang ka na din nakipag away sa iyong kaklase at ang iyong teacher ang nariyan upang ikaw ay pangralan sa maling iyong ginawa.at ang hindi napapansin ng lahat ay ang ating mga guro ang higit na masaya sa ating mga tagumpay, habang hawak hawak natin ang diplomang simbolo n gating pagtatapos, ito ay simbolo sa kanila ng pag alis ng isa na namang tinuring na anak ,isang luha ang papatak dahil sa kagalakan dahil isang matagumpay na tao ang kanyang nagawa.

Kultura nating mga Pilipino ang tumanaw na utang na loob ,at isa sa dapat nating pag alayan nito ay ang ating mga guro , na handang gawin ang lahat para sa kanyang mahal na estudyante ,kakambal nito ang pag alala sa kanila hindi lamang sa petsa na inilaan sa kanila kundi sa ating araw araw na pamumuhay, kasama ang mga aral na hatid nila sa atin na siguradong gagabay sa atin.

Kung wala sila ay walang nars,doctor,abogado o sinumang tagumpay na tao .

No comments:

Post a Comment