May mga kulturang Pilipino, na sa ngayon ay nawawala at nalilimot na natin dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at modernisasyon sa ating bansa. Ang kultura ang sumasalamin sa isang bansa, sapagkat di uusbong ang bansa na walang kultura, gayon din naming ang kultura ay di sisibol kung walang mga bansa.
Marami sa mga kulturang Pilipino ang sa ngayo’y unti-unting nawawala at nalilimot na n gating mga mahal na kababayan. Ito ay dahil siguro sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya at modernisasyon o dahil na rin sa impluwensiya ng mga dayuhang nanakop dati sa ating bansa.
Tulad halimbawa sa paaralan, ang paggamit ng salitang “po at opo” sa loob ng silid-aralansa tuwing makikipag-usap sa matandang kamag-aral, guro, at maging sa mga janitor ay tila nakalilimutan na nating gawin sa araw-araw.
Di lang naman po para sa mga magulang natin ang salitang ito kundi, para din pos a mga taong nakasasalamuha natin sa ating paaralan. Dahil ang mga salitang ito ay patunay n gating pagkamagalang at may respeto sa mas nakatatanda sa atin.
Hindi lang din ang kulturang ito ang tuluyan na yata nating nalilimot, bagkus marami pang iba. Ngunit, ito ang isa sa mga pinakamahalagang kultura na dapat nating alalahaning muli, sapagkat isa sa kulturang ito ang sumasalamin sa ating pagkatao bilang isang produktibong estudyante n gating silid-aralan ng pagtatapusan nating pamantasan.
Dahil ang pamantasan ay di lamang tahanan na kung saan hinuhubog an gating pagkatao sa pamamagitan ng talino, husay at galling na naibabahagi sa ating n gating mga guro, kundi nagtuturo din sa atin ng mga kaugaliang dadalhin natin paglabas sa tahanang nagturo sa atin ng talino, husay at galling pagdating sa pag-aaral. Makukuha natin sa tahanang ito ang kulturang makabayan matapos na mapagtagumpayan ang hamong ibinigay sa atin ng ating pangalawang tahanan.
Tayo ang dahilan kung bakit nawala at nalimot na ng tuluyan ang mga kulturang pilipinong ito kaya, tayo rin ang susi sa pagpapanumbalik ng mga nawalang ito.
No comments:
Post a Comment