Saturday, October 8, 2011

Excited na ako ! ni Larry Anthony R. Gameng

Anim na araw na lang mula ngayon, sembreak na ! Tatlong final exam nalang at apat na araw pasok, tapos na ang unang semester. Grabe, excited na ako. Sa wakas makakapagpahinga rin ng halos dalawang linggo.

Ikaw may plano ka na ba para sa dalawang linggong bakasyon ? Ako meron na ! Gusto mo isa isahain ko pa mula dito at hanngang sa makauwi ako sa aming probinsya. Una gigising ako ng ala singko ng umaga, maliligo, mag-aalmusal pagkatapos ay sasakay na ng dyip papuntang LRT Santolan at bibili ng ticket para makasakay ng tren tapos baba sa Cubao Station kaya nga wala pa akong petsa na napipili kung kelan ako uuwi.Pero itutuloy ko parin ang pagkwento ko sa plano ko .Edi ayan nakababa na ako sa Cubao Station tatawid naman ako sa napakataas na footbridge sa napakabusy na kalsada ng Cubao para lang makarating sa Victory Liner Cubao. Hay naku ! sobrang haba nanaman panigurado ang pila sa ticket papuntang Alaminos, Pangasinan para sa 7:30 ng umaga na byahe ng bus.

Bale anim na oras ang byahe kapag nagbus ka kasi may stop over sa dalawang station, 4 hanggang 5 oras naman kapag may sarili kang sasakyan. Alam mo ba na sa tuwing madadaan ng bus na sinasakyan ko ang arko ng Alaminos palagi kong sinasabi sa sarili ko “ sa wakas I’m finally home” sabay ngiti ng pasimple habang nakatingin sa bintana.

Pagdating ko sa bahay lagi akong humihinga ng malamim at pagkatapos ay sasabihin ko “sa wakas nakahinga ako ng fresh air” sabay naman ako tatawanan ni Papa, Mama at ng nakababatang kapatid .Ikaw ba naman ang huminga ng nakakalasong hangin ng Manila sa loob ng ilang buwan kung hindi mapasabi ng “sa wakas nakahinga ako ng fresh air” pag nasa probinsya ka na.

Sa wakas matitikman ko na ulitt ang masarap na luto ni Papa at ni Mama. Makapagbonding naring kami ng kapatid. Makapagtanim at makakapagdilig sa garden namin, makakaharutan ko na ulit si King, ang kapatid naming Shih Tsu na lahi ng aso J.Makakapagluto narin ako ng leche flan.Makakalaro si Hitler, ang aso kong Aspin na sobrang takaw daw sabi ni Mama,siguro malaki na siya.Bibisita sa dati kong eskwelahan kasama ang mga bespren ko. Bubuo ng bola gawa sa tunaw na kandila sa Araw ng mga Patay.

Excited na ako ! J

No comments:

Post a Comment