Sunday, October 2, 2011

Pag-asa ? ni Larry Anthony Gameng

Pyesang Pangtalumpati



" Ang Kabataan ay ang Pag-asa ng Bayan"

Sinasabi ng mga nakatatanda na ang na ang bagong henerasyon nga mga kabataan ngayon ay malayong malayo na sa kulturang kanilang kinagisnan nung sila’y nasa kanilang kabataan pa. Mula sa aspetong ng pag-aaral, pananamit, pananalita at higit lahat sa pakikipagrelasyon ay sobrang naiiba na talaga ang ating henerasyon.

Sa aspetong ng pag-aaral ay talagang naiiba na, kung noon ay natatagalan ng ating mga magulang ang pag-aaral, ang mga kabataan naman ngayon ay tila nawalan ng ng gana para mag-aral.May nabasa nga ako sa isang “page” sa Facebook na nagsasabing ang limang minuto ng pagbabasa at pag-aaral ay parang isang oras na parusa..Kung noon ay bahay at eskelahan lang ang daang tinutumbok ng mga kabataan ngayon naman ay bahay, eskwelahan, lakwatsa at kung minsan naman ay bahay, lakwatsa na lang ang kanilang tinutumbok.

“ Ano ba naman yang suot mo “ yan ang madalas marinig ng mga kabataang babae mula sa mga nakakatanda. Bakit naman kasi nauso ang mga damit na parang nagkulang at nagkakaubusan ng tela kaya’t sa sobrang iksi ay halos makita na ang mga maseselang bahagi ng katawan ng mga babae. Iyan siguro ang dahilan kung bakit maraming kabataan ngayon ang nakakaranas ng sekswal na pang-aabuso.

Kung pakikipagrelasyon naman ang pag-uusapan ay tiyak na milya-milya ang pagkakaiba ng ng panahon nila noon at ng panahon nila ngayon. Kung noon ay hihintay muna nilang sila’y dumating sa tamang edad bago pumasok sa pakikipagrelasyon at kung sila’y nasa isang relasyon na ay kanila itong ipinaaalam sa kanilang mga magulang. Samantalang ngayon ay kahit sa unang tan pa lamang ng sekondarya ay marami na pumapasok na sa pakikipagrelasyon . Halimbawa na lang nito ay ang isang estudyante sa sekondarya kung saan ako nag-aral. Nasa unang taon pa lamang ay pumasok na sa pakikipagrelasyon at sa edad na katorse ay nabuntis siya. Hindi na ako nagtataka kung bakit madalas tayong punahin ng mga nakatatanda, ito ay dahil sa pagiging mapusok ng bagong henerasyon ng mga kabataan ngayon.

No comments:

Post a Comment