Saturday, October 8, 2011

Ang Kulturang Mula Kay Juan

Ni mitzy kaye soto

“Ang kulturang pinoy kilala at ipinagmamalaki ng bawat Pilipino”

Anong kulturang Pilipino ang kilala ng lahat? Ang kulturang Pilipino na sa atin lang talaga at wala ng iba? Ang aating kulturang hindi nahaluan ng ibang lahi? Ang kultrang ‘ORIG’?

Meron ba talaga tayo non? Siyampre meron. Kilala tayo sa pagiging magalang at ang pinakapangunahing ginagawa natin ay ang pagmamano. Isinasagawa ang pagmamano dumating ka na mula sa iyong pinuntahan at kapag galling ka sa simbahan. Sa atin lang talaga to. Meron pa bang lahing isinasagawa ang ganitong kaugalian? Isan pasasalamat ang ipinapahatid ko sa ating mga ninuno sa paglikha at pagpapasimula n gating kulturang kinikilala at ipinagmamalaki ng mamamayang Pilipino.

Hindi lang pagmammano ang simbolo ng pagiging isang magalang na Pilipino. Nariyan din ang pagsasbi ng “po” at “opo” kapag tayo’y nagtatanong o di naman ay kapag sumasagot sa mga katanungang mula sa nakatatanda sa atin. Yan ang Pinoy!

Maaaring sa ngayon ay bibihira na lamang siguro ang gumagawang ganitong gawi. Bihira! Malimit na lamang itong isinasagawa , kung may pagkakataon na lamang. Sa madaling salita, piling okasyon na lamang. Bilang isang kabataang Pilipino, hinihimok ko ang lahat ng Pilipino na gawin ang ganitong pag-uugali, pagyamanin upang sa susunod na henerasyon ay may kikilalaning kulturang nagmula sa mga Pilipino at may ipagamamalaki sa buong mundo.

Magmano sa ating mga magulang. Magsabi ng “po” at “opo” hindi lamang sa ating pamilya pati na rin sa mga taong hindi natin kilala.

No comments:

Post a Comment