Saturday, October 8, 2011

LUHA!

Lahat tayo ay may mga problemang nararanasan. Lahat tayo ay may sariling kalakasan. Maaari kang tumawa o lumuha.


"kapag may problema ka tawanan mo lang" yan ang laging payo sa atin ng kapwa natin. Oo, tama ito ngunit hindi lahat ng suliranin ay maaari nating takasan na lang. Kaya sa panahong wala ng ngiti sa aking labi, 'di ko mapigilan ang sandaling ibuhos ang ulan ng pasakit at pighati.


Ang pagluha ba ay makikita lang sa mga babae? Naaalala ko pa noong ako ay bata na sa tuwing ako ay masasaktan ay makikitaan agad ako ng luha sa aking mga mata."huwag ka ngang umiyak d'yan, bakla ka ba? sambit ng kuya ko sa akin. ang pahayag ng aking kapatid ay nanatili sa'kin ng mahabang panahon. Kaya sa tuwing may ako ay masasaktan at magkaka-problema ay hindi ko ito iniiyak bagkus ay dinadaan ko sa sigaw at galit. Ang puso ko tuloy ay tila naging manhid at bato. Isang bato na hindi kayang tibagin. ito ang dapat na inaasal ng isang lalake.


Sa pagdaan ng panahon, ang mata ko ay nagmistulang may sariling El Niño. Walang pamumugto at hindi kakikitaan ng luha. ayoko kasing mainsulto kung sakaling sabihin na ako ay may pusong babae.


Ang konsepto ko sa buhay ay tila nabasag at naglaho sa pagdalo ko sa mga "prayer meeting". Noong una ay pinipigilan ko ang luha ko na pumatak sa tuwing ako ay magbabahagi ng problema sa mga ka-grupo ko sa simbahan. Kinanalaunan ay nag-iba ang pananaw ko, ano nga naman ang masama sa pag-iyak? ang luha ay ipanag-kaloob sa atin ng magamit upang ilabas ang bigat na nararamadan natin. Ang pag-iyak hindi lang para sa iilan. Ito ay para sa lahat ng may nais gumamit dahil mahirap maglahad ng suliranin kung puro galit ang paiiralin.


Umiyak ako hindi dahil may pusong babae ako. Umiiyak ako, hindi dahil sa kailangan ko. Iiyak ako dahil karapatan ko ito at hindi nito mababawasan ang pagkatao, at pagkalalake ko bagkus ay mas maipapakita nito kung sino talaga ako.

(sanaysay ng isang Ispiker)

No comments:

Post a Comment