Bakit mahalagang malaman natin ang tunay natin pagkatao? Bakit nga ba? Siguro'y kayo rin ay nagtatanong sa iyong sarili kung ano ka nga ba talaga?
Sa kilos, galaw at pananalita ng isang tao malalaman mo kung babae ba siya o bibinabae o di kaya naman tomboy. Na hindi na bago sa panahon natin ngayon pero hindi lahat ay hindi kayang gawin ang pagsasabi ng totoo at pagbubunyag na sila ay kabilang sa "homosekswal" na kasarian. Marahil mayroon silang dahilan kung bakit patuloy pa rin nilang inililihim at itinatago ang tunay na sila.
"Papatayin ako ng tatay ko kapag nalaman niya na bakla ako", ito ang karaniwang pahayag na naririnig ko sa mga kaibigan kung bakla sa tuwing gusto na nilang magpakatotoo. Bagay na talagang mahirap gawin lalong lalo na kapag pamilya muna ang nakasalalay. Ngunit hanggang kailan naman ito dapat itago kung mismong pagkatao mo ang naapektuhan.
Sadyang ang katotohanan ay kailan man ay hindi mo kayang baguhin at ito ay dapat tanggapin at panindigan. Bukod pa rito, ang kasarian ng isang indibiduwal ay hindi batayan upang ikaw ay magtagumpay. Kaya't nararapat lamang na igalang natin ang isa't isa at magpakatotoo tayo sa ating sarili sapagkat maikli lamang ang buhay kaya't samantalahin natin ang pagkakataon.
Sunday, October 9, 2011
Pagmamahal ang dapat ialay sa Kababaihan
Ang mga babae ay nilikha ng Diyos para mahalin at hindi para saktan. Ito ang karaniwang pahayag ng kababaihan sa tuwing makakarinig sila ng pang-aabuso at pananakit sa kapwa natin mga babae.
Maraming balita na ang nagsusulputan tungkol sa pang-aabuso ng mga taong walang pusong nilalabag ang karapatang pantao. Mula sa pagiging katulong ay lalo pang minamaltrato ng kanilang amo. Imbes na alagaan ang kanyang kabiyak ay sinasaktan pa niya ito sa tuwing hindi niya ito bibigyan ng pang-inom ng alak at pangsugal.
Masakit man tanggapin pero ito ang katotohanan na nangyayari sa ating lipunan. Pero ganun pa man lagi natin isaisip ang katagang "Walang mang-aapi, kung walang mag-papaapi. Kaya mga kababayan ko, nawa'y suportahan po ninyo ang aming programang naglalayong labanan ang mga salot sa ating lipunan, na walang ibang alam gawin kung hindi saktan ang walang kalaban laban.
Nawa'y ang araw na ito ay magsilbing daan upang tayong lahat ay magkaisa at magmahalan upang magkaroon ng kapayapaan at katahimikan ang bawat isa, lalong lalo na ang kababaihan.

Kultura kakambal na ng ating pagkatao
Sa klase natin sa Retorika kay Ginang Apigo ay tumatak sa aking isipan na ang ating kultura'y kakambal na ng ating pagkatao.
Paano? Simple lamang, unahin natin sa pagtanggap ninyo sa akin kahit na galing ako sa ibang kurso at nag-iisa lang akong iregular na studyante sa inyong klase ay hindi ko po naramdaman na iba ako sa inyo.
Nangangahulugan lamang na ang kaugalian pagdating sa magiliw na pagtanggap ng bisita ng mga Pinoy ay talagang namamayani pa rin sa ating pagkatao. Maging ang ating guro na si Ginang Apigo ay dala pa rin niya ang ugaling Pinoy. Mula sa pagiging magalang, mabait maunawain at mahinahon niya sa ating klase, masasabi kung bakas pa rin sa kanyang pagkatao ang kaugalian ating nakagisnan na.
Mga kaugaliang sadyang hindi na mawawala at magpapatuloy pa hanggang sa susunod na henerasyon. Samakatuwid ilang dekada man ang lumipas at dumaan sa ating buhay ay huwag natin kalimutan ang kulturang ipinamana pa ng ating mga ninuno. Bagkus ito'y ating panatilihin, paunlarin at mahalin hanggang sa huling hininga ng ating buhay.

Kinagisnang kaugalian,bahagi ng ating kultura
Pagtulong sa kapwa ay hindi masama
Pagkat ito'y galing sa puso ika nga
At lalong pang nakakatuwa
Kung ang tutulungan mo'y isang kaawa-awa
Diba nga't kay sarap pagmasdan
Kung ang kapwa mo ay nagtutulungan
Kahit saan man dako ito mangyari
Pag-ibig ang siyang namamayani
Kung ikaw ay tutulong sa iyong kapwa
Walang mayaman, walang dukha
Sa pagka't lahat tayo ay pantay pantay
Maging kakampi man o kaaway
Oh, ang tinutulungan mo ay masayang masaya
Dahil ang kailangan nila ay naibigay muna
At ito'y hindi nila malilimutan
Ngayon at magpakailan pa man.

Swerte nga ba o Malas? (ni Janice D. Dulay)
Sabi nila kapag nanalo ka raw sa lotto ay swete ka raw, eh paano naman kaya kung natalo ka? Eh di ibig sabihin malas ka. Hay naku ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng salitang swerte at malas sa buhay ng isang tao?
Marahil kayo rin ay nagtatanong sa inyong sarili na bakit lagi na lang may hadlang para magawa ang gusto mo. Siyempre isa na ako dito, lagi kasing problema ang dumarating sa buhay ko. Problemang para bang walang katapusan. Wala naman akong balat sa puwet pero puro kamalasan pa rin ang dumarating.

Kailan kaya ako magiging swerte ulit? Ayan ang lagi kung sinasabi sa tuwing makakaranas ako ng mga pagsubok na lubos na nakakaapekto sa aking buhay. Ngunit sa tuwing makakakita naman ako ng mga bata sa lansangan, na walang tsinelas, maayos na damit at tirahan. Naiisip ko na maswerte pa rin pala ako sa kanila.
Sa pagkakataong ito napagtanto ko sa aking sarili na ano man ang maging katayuan mo sa iyong buhay, maging mayaman, mahirap o kaya naman maging Presidente ka pa ng Pilipinas ay hindi ka pa rin ligtas sa mga ibat-ibang uri ng suliranin. Pagsubok na walang katapusan na hanggat nabubuhay ka ay darating at darating ito sa iyo.
Subalit dumating man ito ng dumating sa buhay mo. Huwag mo itong talikuran at takasan bagkus gawin mo itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang laban at pag-asang magtagumpay balang araw.

Subscribe to:
Posts (Atom)