Bawal na Pag-ibig
Ni: Mitzy Kaye
Bago ko simulan ang aking sulatin, may mga katanungan akong iiwan sa iyo__
“Alin nga ba sa dalawa ang mas matimbang?, ang pusong nagmamahal o pipiliin mong lumugar sa piling niya na kahit alam mong bawal at nakikita mong dinudusta kayo?. oo ngat sabihin nating dito ka sasaya pero bawal sa mata ng ilan at sa Diyos? ”
Ang hirap pag nagipit ka sa ganitong sitwasyon. Paano mo nga ba malulusutan ang pandudusta ng iba? Ito ang kwento ni Diego, isan taong nagmamahal pero bawal. Hay magmamahal ka na nga lang bawal pa! paano ung iyon ang isinisigaw ng iyong puso? Ganito kasi yan eh……….
Hindi naman kasi masama ang magmahal. Ang pag-ibig kasi Masaya at kung minsan masarap. Masaya dahil nagmamahal ka, masarap dahil ikaw ay minamamahal. At kung minsan, yung tipong hindi makukumpleto ang arwa mo kung di mo siya makikita, makakasama at makakusap. Nakakailig din minsan kapag magkahawak-kamay kayong naglalakad at pinagseselos ang ibang tao lalo na ang mga walang jowa. Tapos ihahatid ka niya sa inyo.
Sabi nga’y “no man is an island”. Kailangan may katuwang tayo sa buhay para may mag-alaga sa atin at may kakalinga. Ngunit papaano ka magmamahal? Oo ngat Masaya ka ngunit nalalaman mo bang nagmamahal ka sa maling panahon, sa maling pagkakataon, sa maling sitwasyon, at nagmamahal ka sa maling tao. Batid ko ngay masakit lumayo. Ang lumayo sa minamamhal mo ang pinakamahirap na desisyon na gagawin mo sa buong buhay ng isang nagmamahal. Ayon nga sa kasabihan “kung kinakailang iwanan o bitiwan ang isang bagay ay gawin mo dahil sa pagbitiw dito ay may mas magandang oportunidad na darating”.
Opposites do attract! Pero hindi na sa ngayon Same do attract! Yan ang para sa mga taong bawal ang pag-iibigan. Sa panahon ngayon ay may iilan ang tanggap ang ganitong uri ng nag-iibigan ngunit nakararami pa rin ang hindi. Sa tingin ko ay karapatan din nila ito kaya bakit natin sila pipigilan. Hayaan natin sila may kanya-kanya tayong buhay. Kayo anong husga niyo?
No comments:
Post a Comment