Saturday, October 8, 2011

"Kultura nila,ating Nakuha at Namana" ni Larry Anthony R. Gameng


Maraming mga dahuyan ang noon ay sumakop at nanirahan sa ating bansa. Nariyan ang mga Espanyol, mga Tsino/Instsik, mga Amerikano at mga Hapones.Dahil sa lahing ito ay marami ang nadadang sa kulturan nating mga Pilpino.Mga kulturang nagbibigay kulay at at pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino.

Piyesta at Pasko, sino ba naman ang hindi nakakaalam ng ibig sabihin ng mga salitang ito. Pista, ang okasyon kung saan ay maraming kainan, maraming bisita,may perya, may masasayang programa at sarswela dahil ipinagdiriwang ang pista ng kanilang patron na santo o santa. Sa pasko naman ay ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus, sa pagpasok palang ng unang araw “ber months” ay makakarinig ka ng mga kanatang pampasko na pinatutugtog ng tindahan na iyong madadaan, makakakita ng mga parol na nakasabit na sa mga streetlights.Pagpasok naman ng Disyembre ay talagang mararamdaman mo na ang impact at halimuyak ng pasko, maamoy at matitikman mo na ang paboritong puto bumbong at iba pang mga kakanin na mainit init pa dahil sa harap mo mismo ito niluto.Buti nalang at namana natin ang pagdiriwang ng pasko sa mga Espanyol, dahil kung hindi marahil ay kakaunti lang ang matatanggap nating regalo sa loob ng isang taon J.

Ang lumpia/shanghai, tikoy, pansit alam mo ba ? Lumpia/shanghai yung gulay/karne na binalot tapos prinito pagkatpos ay isasawsaw sa sawsawan na matamis/maasim, tikoy yung malagkit na dumidikit sa ngipin at ngalangala at madalas ipamigay ng mga Tsino tuwing Chinese New Year para tumibay daw ang samahan ng pamilya.

Eh ang McDo alam mo ? Yan ung sikat na fastfood na may linyang “pa para papa love ko to” .Dinala ng mga Amerikano dito ang konsepto ng kainan na tinatawag na fastfood.Alam mo rin ba na ang tilapia na masarap gawing prito o inihaw ay dinala ng nga Hapones dito sa Pilipinas.

No comments:

Post a Comment