Thursday, September 22, 2011

SAME SEX MARRIAGE, ano nga ba?

Magandang araw po sainyong lahat!

Ako po si Rhein Leone.

Bilang tumatakbong pangulo, narito po ako sainyong harapan, para sabihin ang aking hangarin kung bakit ako ay hindi sang-ayon sa same sex marriage.


Ano nga ba ang isyu ukol dito?

Sinasabi na ang same sex ay gutong magkaroon ng pagkakakilanlan dito sa ating bansa at pati na rin sa mundo. Kaya nais nilang isulong na magkaroon ng legal na pagpapakasal ang magkaparehas na kasarian, hindi lang sa mata ng tao ngunit pati na rin sa mata ng batas.


Ano nga ba ang dahilan kung bakit marami ang tutol dito, kabilang na ako. Magbibigay po ako ng ilang dahilan: una ang babae ay para sa lalaki at lalaki ay para sa babae lamang, ikalawa dalawa lang ang ginawang kasarian ng Diyos, 'yun ang lalaki at babae at huli ay ang dahilan kung saan makikita natin sa bibliya na ipinasunog ng Diyos ang sodom at gomorrah dahil sa salang nilabag nila ang hangarin ng Diyos na ang lalaki ay para sa babae lamang at hindi kung kanino man. Makikita na natin sa ating kasaysayan n amarami ng nagtangka maipalegal ang sistemang same sex ngunit hindi sila nagtagumpay sapagkat marami pa rin naniniwala na mali ito. Paano natin magagawa ang magparami kung magkaparehas ng kasarian ang nagsasama? Ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit hindi pa rin nagtatagumpay ang mga parehong kasarian.


Bakit nga ba nagkaroon ng bakla at tomboy? Kung tutuusin wala naman nilikha ang Diyos na ganito. Isa sa sinasabing dahilan kung bakit nagkaroon ng bakla at tomboy ay ang kapaligiran. Dahil sa kapaligiran may posibilidad na ang batang lalaki o batang babae ay unti-unting magbago, gawa na rin ng kapaligiran. Halimbawa kung ang batang lalaki ay puro babae ang kasama maapektuhan siya nito sa pamamagitan ng makikita niya kung paano manamit at kumilos ang mga babae na nagiging dahilan ng paglabas ng kanyang feminismo.


Ang aking adhikain ay malaman natin ang tama at mali. Bilang kristiyano, nirerespeto ko ang bawat mamamayan ngunit kung ang kanilang pinaglalaban ay hindi na nararapat, paumanhin ngunit hindi ko mapagbibigyan ang kanilang kahilingan. Alam kong marami rin sainyo ang hindi sang-ayon sa kanilang panukala, bilang isang bansa sana tayo ay magkaisa sa bawat desisyon na ating gagawin. Alam kong maraming bakla at tomboy ang aapela pero sana'y maintindihan ninyo ang aking panukala. Ang nais ko lang naman respetuhin natin ang Diyos na lumikha sa pamamagitan ng pagpapakita na ang babae ay para sa lalaki lamang at hindi lalaki sa lalaki.


Asahan niyo na kapag ak0o ang naging presidente ay hindi ko pahihintulutan mangyari same sex marriage. Pero huwag kayong mag-alala sapagkat kikilalanin pa rin namin lahat kayo bilang tao at kahit ano man sa tingin niyo ang inyong kasarian ay magiging pantay pa rin ang pagtrato sa mamamayan. Ngunit muli kong liliwanagin na ang sinusulong ng bakla at tomboy ay hindi matutupad!


KASALO ni JOI C. BARRIOS

Ang babae ay hindi kaning inihahain

sa mesa ng matrimonya,

Iniluluwa kapag mainit at takot kang mapaso,

sinasabawan ng kape sa umaga

kapag ikaw ay nagkulang,

at itinatapong tutong sa kanyang pagtanda.


Ang babae ay hindi karneng

dinuduro at kinikilo,

ginigisa at laman sa iyong mga pangako,

nilalaga ang buto sa iyong pagsuyo

at ginagawang tsitsaron ang balat

upang maging pulutan.


Ang babae ay hindi halayang

panghimagas sa inyong kalusugan

inuming sa iyong katandaan

o putaheng nilalaspag tuwing may handaan.


May tiyan din siyang kumakalam,

may sikmurang kailangan mapunan

at pusong dapat mahimasmasan.

Kasama mo siyang nagtatanim ng nmaisasaing,

katuwang na naghahanda

ng almusal, tanghalian at hapunan,

kaharap at kasalo sa kinabukasan.

Monday, September 19, 2011

ANG RELIHIYON ni Samantha Karen D. Morano

Maraming relihiyon ang umiiral kahit saan

Katoliko, Iglesia ni kristo, Muslim, Born again at iba pa

Ngunit ano nga ba ito?

Isang kultura na tumutukoy ng pagkakakilanlan

At isa sa mga dahilan para magbuklod ng mamamayan


Kultura ang nagbigay ng imahen sa lipunan

Kultura ang naging dahilan ng pag-iisa ng mamamayan

Isa sa mga sakop ng kultura ay relihiyon

Tulad ng kultura ang relihiyon ay nagpapakilala

sa lipunan ng pangkat ng mga mamamayan

Relihiyon na may iba't ibang uri


Relihiyon ang isa sa mga dahilan ng pagkakaisa

Pagkakaisa na mahirap makamtan

Sapagkat ang bawat pangkat ay may kanya-kanyang pagkakakilanlan

Na nagiging imahen ng lipunan

At dahil sa relihiyon na pinaglalaban nagiging isa ang bayan

Sunday, September 18, 2011

Ano Ka Nga Ba? Ni: Catherine B. Moncayo

Ano ka nga ba?
Babae o lalaki?
Sa lipunang iyong ginagalawan,
Batid mo ba kung saan ka nabibilang?
Saan nga ba? 

Ilang beses na bang sinubukan
Tunay na pagkatao mo'y patunayan,
Sa mga mapaghushagang mga mata
Paano mo ito kinakaya?
Paano nga ba?

Ngunit bakit nga ba nagkaganyan
Pagkatao mo'y naging talliwas sa iyong kasarian, 
Ito ba'y iyong kapalaran
O sadya ng sariling kagustuhan?
Bakit nga ba?

Ikaw kaya'y makakaranas
Pag-ibig na sadyang wagas,
O magiging bulag na lamang 
Sa pag-ibig na nais maranasan
Mararanasan nga ba?

Ano ka nga ba talaga?
Babae o lalaki,
Ano man ang maging kasagutan
Sana'y makamtan ang tunay na kaligayahan
Ang tulad mo ay hindi tunay na salot sa lipunan

" Mana " ni Larry Anthony R. Gameng

"Mana"

Mga Pinoy ay maraming namana
Mga mana na galing pa ng iba't ibang bansa
Mga mana na mula sa Japan at Tsina
Pati na ri mula sa Korea at Espanya
Mga mana na hindi na yata maaring mawala

Noong ako'y bata pa at nasa elementarya
Tinatakbo ko mula paaralan hanggang bahay kapag uwian na
Mahabol lang ang "Anime" ng Japan na "Flame of Recca"
At tuwing meryenda na ay pupunta kay Aling Nena
Bibili ng lumpia ng Tsina at isasawsaw sa sili't suka

At ng ako'y nasa ika-apat na taon ng sekondarya sa aming probinsya
Nahilig ang mga kaklase ko sa kantang "Nobody" ng mga Koreana
Tayo'y nagdiriwang ng pasko at pista ng mga santo at santa
Dahil narin sa impluwensya ng mga taga Espanya
Ilang lang ang mga yan sa mga naging parte ng ating kultura