Showing posts with label espeso.abfgrupongkanan:isyung pankultural. Show all posts
Showing posts with label espeso.abfgrupongkanan:isyung pankultural. Show all posts

Friday, October 7, 2011

Ang kay Juan ay kay Juan, ang kay Pedro ay kay Pedro Ni: Angeline Espeso

Ang kay Juan ay kay Juan, ang kay Pedro ay kay Pedro

Ni: Angeline Espeso

(sanaysay na pasok sa politikong pangangampanya)

Sa pagbulusok ng iba’t ibang suliranin sa ating bansa, kapansin-pansin na bukod sa mga politiko ay maituturing na isa sa mga pinakamaingay ay ang mga lider ng simbahang Katliko –kapwa mainit na pinagdidiskusyunan ang mga lunas na ninanais nila para sa sambayanan.

Malimit na makisangkot sa usapan ang mga pinuno ng simbahan tuwing may mga isyu na nasasagasaaan na mga bagay tungkol sa relihiyon. Halimbawa na lamang ng napapanahon na argument ukol sa RH (Reproductive Health) Bill, divorse at same sex marriage kung saan nahahati ang panig ng gobyerno at ng simbahang Katoliko. Ang diskusyong ito ay tulad na lamang ng argumento na may paksang “ano ang nauna, ang itlog ba o ang manok?” Ang para kay Juan , ang nauna ay ang itlog samantalang ang kay Pedro ay ang manok. Bukod sa napakahabang pagtatalo, parehas pang may tama, magkakatalo lamang sa mga maling punto.

Hindi matapos-tapos ang mga argumento dahil sa iba ang pinaglalabanang pananaw sa pagitan ng kung ano ang tama ayon sa Bibliya at tama sa paningin ng mga tao –pagitan ng moral at lohikal na pananaw.

Si Juan ay tinitingnan ang dapat na gawin base sa kalagayan ng pangkasalukuyang ekonomiya para sa ikabubuti ng taong bayan samantala si Pedro ay titnitingnan ang dapat gawin base sa pangangalaga at pagpapanatili nila ng ating kultura at pananampalataya.

Tama si Juan dahil kung ano ang napapanahon na isyu, napapanahon rin ang solusyon na magiging lunas. Tama rin si Pedro dahil iniisip niya na solusyon ay ang pangangalaga sa moralidad at kasagraduhan ng pamilyang Filipino.

Oo, para sa akin, parehas tama. Kapwa may punto. Ngunit magkaiba ng prinsipyo. Ang kay Juan ay kay Juan, ana kay Pedro ay kay Pedro. Bakit hindi na lamang magtulungan kayo, nang sa gayon ay hindi nahihirapan mamili sa pagitan ninyo, ang mamamayang katulad ko?

Foodtrip Ni: Angeline Espeso

Foodtrip

Ni: Angeline Espeso

(malayang sanaysay)

Trip mo, trip ko, trip nating lahat ang kumain. Hindi na mawawala sa mga Pinoy ang pagkahilig sa pagkain,. Sa kaliwa’t kanan na tindahan ng mga pagkain, hanap-hanap natin ay ‘yung sulit na, masarap pa.

Mahilig sa foodtrip ang mga Pinoy, siyempre kapag kainan, ‘di mawawala sa ating mga bokabularyo ang magkantsawan ng LIBRE! LIBRE! LIBRE! Pero sa panahon ngayon, ang panlilibre ay nakabubutas ng ating mga bulsa. Kaya kapag nag-amok ang ating mga sikmura at ang tanging meron lamang tayo ay barya, aba! Walang problema! Nandiyan ang mga streetfoods –tinatawag natin na turo-turo ngunit ang totoo’y tinutusok ng stick.

Dala na rin siguro ng kahirapan kung kaya’t naglipana ang mga pwesto at mga nagtitinda ng mga turo-turo para magkaroon ng mapagkakakitaan sa pamamagitan lamang ng maliiit na puhunan na atin naming pinapatulan.

Bakit naman kaya patok ito? Kasi, amoy pa lang , hinilila ka na nito papalapit sa tindahan tapos aantayin mong maging kulay brown ‘yung niluluto ni kuya tapos kapag lumutang na ‘yung inaantay mo saka ka kukuha ng stick tapos tutusukin mo tapos isasawsaw sa trip mong sawsawan, matamis o maaanghang at kapag natikman mo na ay mapapa-want more, more, more, ka pa! Masarap talaga! Para sa akin ‘yun ang foodtrip. Mabisang naitatawid ang gutom ng nag-aamok na sikmura sa murang halaga.

Masasabi kong hindi ka Pinoy kung hindi ka pa nakatitikim na inihaw na isaw, goto, mani, balot, chicharon, fishballs, kikyam, kwek-kwek, tokneneng, pritong manok at iba pa. mga inembentong pika-pika na swak na sa bulsa, swak pa sa panlasa –bahagi ng pagiging henyo ng mga Pinoy sa panahon ng krisis.

Thursday, September 29, 2011

Ang kabataan ngayon Ni: Angeline Espeso

Ang kabataan ngayon

Ni: Angeline Espeso


Ang kabataan ngayon

Sanay sa wikang banyaga

Kahit mayroong sariling wika

Iyon ang gamit na mga salita

Hindi naman lumaki sa ibang bansa


Ang kabataaan ngayon

Taas noo sa mga koreano at ‘kano

Sila ang mga iniidolo

Kaya’t ang porma sa kanila ay hango

Hindi kasi mahilig sa mga pango


Ang kabataaan ngayon

Hinihele ng mga banyagang kanta

Kahit hindi lubusang maintindihan

Awtin ay swak pa rin sa panlasa

Maging sayaw ay sinasabayan ang bawat indak ng musika


Ang kabataaan ngayon

Imbis na nasa silid-aklatan

Facebook ang binubuksan

Laging nasa galaan

Party-party sa may tugstugan


Ang kabataaan ngayon

Pinoy sa puso at diwa

Labas rin sa nguso at tainga

Ang kultura na ipinamana

Unti-unti ng nawawala.

Gaya-gaya Ni: Angeline Espeso

Gaya-gaya

Ni: Angeline Espeso

(sanaysay na pwedeng gamitin para sa isang timpalak ng talumpatian)

Kilala ba ninyo si Captain Hook? Kung oo, diba siya ‘yung pinuno ng mga pirata sa pelikulang Peter Pan? Eh, si Juan Dela Cruz, kilala ba ninyo siya? Kung hindi ako nagkakamali, isa na siya ngayon sa mga pirata na masarap ipakain kay Lolong _gaya-gaya kasi.

Kung papasinin natin ang mga gamit sa ating mga tahanan, paaralan, at iba pang mga gusali, iilan lamang dito ang gawa at produkto ni Juan. Halimbawa na lamang ng mga cellphones na china phones, Hermes bag na amoy goma, sapatos na tatak ay nike pero bukas makalawa ang swelas ay pudpod na.’Yung tipong kahit mumurahin at hindi orig , basta tatak sikat para angat ay papatulan. Pati nga ang bihis at pananamit ay may pinaghanguan na mga sikat na personalidad na idolo ni Juan doon sa kanluran saka roon sa mga naniningkit ang mga mata.

Sa industriya naman ng aliwan, mapa-radyo man o telebisyon ay mas nanmamayagpag ang mga kanta at programang banyaga. Natabunan ang OPM ( Original Pinoy Music) ng mga kanta Nila Justin Bieber, Taylor Swift, Lady Gaga, Bruno Mars at iba pang banyagang mang-aawit. Pustahan ‘yung iba diyan, nagkaroon ng LSS (Last Song Syndrome) sa lyrics ng “Boom, badoom, boom
Boom, badoom, boom, he got that super bass” at “Teach me how to dougie , Teach me how to dougie, Teach me how to dougie, Teach me how to dougie”. Kasabay ng pagpatok nito ay kaalinsabay din ng pagkakaroon ng Filipino version nito. Merong isinasatagalog o kaya naman ay binabago nga genre mg musika na kadalasan ngayon ay acoustic version. Maging sa ating mga telebisyon, minsan na ring nagawan ng mga Filipino version ang mga tinangkilik nating mga asianovela at reality shows –mga pagtangkilik na nauuwi sa panggagaya.

Ilan lamang sa mga nabanggit ko sa mga naidulot ng impluwensiya ng banyagang bansa. Dahil sa pagyakap at pagtanggap natin ng kanilang kultura, nasasakripisyo ang ating sariling kultura at kalinangan. Unti-unti ng nawawala ang pagkakakilanlan nating mga Filipino. Ang pagkawala nito ay pagkawala na rin na ating kultura. Patuloy ang pagbabago bawat henerasyon, hindi masamang makisabay sa takbo nito pero huwag nating iwan ang nakaraan ng ating pinagmulan. Pinagmulan na dapat nating panatilihin at paularin.

Hanggang gaya-gaya na lamang si Juan? Siyempre hindi! Napakarami at punong-puno ng talento si Juan. Alam ko balang-araw, magkakaroon din siya ng sariling pagkakakilanlan, makapagbibigay ng impluwensiya sa ibang bansa, ‘yung siya naman yung gagayahin at magiging bida -siya na talaga! daBEST siya! Nasimulan na nga ito sa tulong na rin ni Shamcey, pinaanod niya si Lolong sa pamamagitan ng kanyang mabagsik na tsunami catwalk at re-rescue pa si Pacquiao para tuluyang i-­knock out si Lolong. Ngayon, si Captain Hook lamang ang dapat ipakain kay Lolong, hindi kailanman si Juan.