Buhay. Kahit saang tindahan o department store ka magtungo, wala kang makikitang nagbibili ng buhay. Kahit magkano, Kahit ilan. Walang ganyan. Hindi uubra ang Senior Citizen o Student Discounts mo. Wala ring silbi ang iyong cheke o kahit i-cash mo pa. Buhay ang pinag-uusapan. Oo! Buhay ng tao. Isang beses, Isang Pagkakataon.
Sa mainit at kontrobersyal na usapin ng panukalang batas na House Bill No. 4244 or An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes o mas kilala bilang RH Bill sa pangunguna ng kumakatawan sa Unang Distrito ng Albay na si Gng. Edcel Lagman. Masasabi kong ito ay nakamamatay. Pumapatay hindi lamang ng milyon milyong buhay kundi ng mga buhay na hindi nabibigyan ng pagkakataong masilayan ang ganda ng mundo.
Likas sa ating mga pilipino ang pagmamahal sa ating pamilya dahil tayo ay pinagbuklod ng pagmamahal ng ating Panginoong Hesuskristo. Ngunit kailan nga ba nagsisimula ang buhay?
Sa pamamagitan ng pagsasama ng semilya ng lalaki at babae na tinatawag na Fertilisasyon ay nabubuo ang pagdebelop ng isang sanggol sa sinapupunan ng Ina.
Sinasabi ng mga nagsusulong ng batas na ito na wala silang pinapatay ngunit ang katotohanan ay mayroon. Dahil ayon sa Bibliya, nararapat na pangalagaan at protektahan natin ang mga proseso sa pagbuo ng isang buhay. Paano natin ito magagawa kung ang layunin ng mga kontraseptibo ay ang pagputol o pagpigil sa Fertilisasyon?
Pumapatay. Tayo ang pinapatay. Ang mga kababaihan, ayon sa isang medikal na pag-aaral ay hindi ligtas ang paggamit ng mga kontraseptibo sa kalusugan ng mga babae. Maaari itong magdulot ng iba't ibang sakit o impeksyon tulad ng cancer na maaari pang uwi sa kamatayan.
Ang Bayan at mga mamamayan. Sino ba ang makikinabang sa oras na maipatupad ang panukalang batas na ito? Hindi ba't ang mga negosyante at kumpanya na gumagawa ng mga kontraseptibo? Malaking pondo ng pamahalaan ang igugugol para rito. Sa halip na gamitin ang pondo para sa mga mamamayang nangangailangan at nahihirapan ay gagamitin ito para lamang sa pansariling inters o adhikain.
Ayon sa mga Pro RH Bill, ang ating bansa raw ay sobrang laki na ng populasyon. Ito po ay isang malaking kasinungalingan sapagkat sila lamang ay nagbase sa Kamaynilaan at hindi sa buong bansa. Ang totoo po ay lumiit pa nga ang ating populasyon dahil ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang ating ITR o Internal Fertility Rate ay bumaba sa 3-4 Rate. Ibig sabihin mas maraming magulang ang may maliit na bilang ng mga anak ngayon kumpara noon.
Pumapatay. Pumapatay ng mga kabataan at buong madla. Mayroon tayong 15 milyong kalalakihan sa bansa. Bawasan na natin ng 3 milyon dahil ang iba ay matatanda na, may sakit at walang kakayahang magkaanak. Sa 12 milyong lalaki sa Pilipinas, lahat sila ay pagkakalooban ng condom. Magkano po ba ang isang condom? Ipagpalagay nating P5.00 ang isa. p5 x 12,000,000 = P70 000,000.00 para lamang po iyan sa loob ng isang araw. Napakalaking halaga hindi po ba? Sa aking palagay mas dapat bigyang pansin ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.
Hindi po ako Anti-RH Bill, isa lamang po akong Pro-Life. Ikaw? Handa ka bang isugal ang sarili mong buhay sa pagpapatupad ng RH Bill? Alam mo yan.
No comments:
Post a Comment