Thursday, September 15, 2011

Ay Bading !? ni Larry Anthony R. Gameng

Ay Bading !?

Puso'y pambabae
Katawa'y panlalaki
Kung gumalaw at manamit ay parang si ate
At pag sila'y tumili, para kang mabibingi
Kapag sila'y humataw sa pagsayaw ay mistulang mga bulate

Sa Timog, Silangan, Norte pati Kanluran
Sila'y nagliliparan
Bilang nila'y patuloy na nadaragdagan
Sa mga parlor sila ay nagkukumpulan
Sila ang nagpapaganda sa mga taong tila wala ng pag-asa

Kung sila'y magtsikahan ay parang ilang taon na hindi nagkitakita
At pag sila na ang nagpatawa
Tiyak na tatawa ka ng bonggang-bongga
Yan ang talento nilang walang wakas at kupas
Bilang nila'y higit pa sa isla ng Pilipinas


Mga lalaking humihiling na sana sila'y naging babae rin
Sila'y mga bading kung tawagin
Ngunit bakit may mga taong sakanila'y masama ang tingin
Mga taong sila'y talipandas kung ituring
Salot nga ba silang maituturing ?

Wednesday, September 14, 2011

KULTURA: kaugnayan sa wika, lipunan at mamamayan

Ang kultura ay siyang nagbubunsod upang ang isang tao ay kumilos ng ayon sa kanyang ginagawa at tuloy nagbibigkis sa mga miyembro ng lipunan. Sinasabi na ang kultura at lipunan ay magkaugnay sapagkat hindi maaaring lumitaw ang isa kung wala yaong isa pa.

Marami pang kaugnayan ang kultura tulad na lamang ng wika kung saan ang wikang simboliko ay ang pundasyon ng kultura ng tao. Masasabi kong pundasyon sapagkat sa pamamagitan ng wika, ang kultura ay naisasalin ng isang tao sa kanyang kapwa tao o ng isang henerasyon sa susunod na henerasyon.

Ano nga ba ang kultura? Ano nga ba ang kaugnayan nito sa mga tao? Masasabi kong napakahalaga ng kultura sapagkat kaakibat nito ang lahat. Nakadikit na ito sa wika, lipunan at mga mamamayan. Kung walang kultura, hindi makukumpleto ang mga ito sapagkat dahil sa kultura nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang bawat lipunan kaya gayon na lamang kaimportante ang kultura sa lipunan at sa iba pang bagay.

Ang kultura ay nagbabago. Nagbabago sa paraan na umaasenso o mas humihigit pa, kung tawagin nga’y “ nag-improve” ito. Sapagkat umaagapay ito sa pagbabago ng panahon, unti-unti itong nagiging moderno at ang dating kultura ay malimit na lamang nagagamit pero ng dahil sa dating kultura at makabago na rin ay nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang lipunan at napaggbubuklod nito ang mga mamamayan.

Ngunit kung hindi natin magagamit ang pinagmamalaking kultura para saan pa para gawin itong modernisado, hindi rin naman ito magagamit sa pagkakakilanlan at pagbubuklod ng mga mamamyan , sa halip baka ito pa ang maging dahilan para tuluyan maglahong imahen ng kultura

Sunday, September 11, 2011

Binabae ni Jeremhae Agoncillo



Lalaki nga ba o babae?
Katawan niya'y malaki
Matikas kung manamit
Hindi mo aakalaing sweet
Lalo na sa mga taong may lawit

Bakit nga ba nagkaganon?
Kasaria'y bigla nagbago
Nag-evolve ng todo-todo
Kung dati rati'y tinatago
Ngayo'y lantaran kung magbago

Nahihiya sa una
Bibigay din sa makalawa
Ang pagbabago'y ginusto niya
Ngunit kasaria'y tanggap nga ba?
Lalo na sa lipunang ginagalawan niya

Dapat ba itong ikahiya o ipagmalaki?
Ang lipunan ngayon ay ibang iba sa dati
Di pa man kilala, uulanan ka na ng husga
Magkamali ka't ito'y pupunahin ng iba
Gumawa ka ng tama't ito'y babaliwalain lang nila

Pagbabago sa kasaria'y pagpapakatotoo sa sarili
Kaya't sila'y di masisisi 
Tao lang din sila't nagkakamali
Batuhan mo man ng husga't panlalait
Ika'y matatahimik na lamang at baka manliit