Uso
Ni: Angeline Espeso
(sanaysay na naka-address sa klase at at Ma'am Apigo)
Musta naman? Yes, anong meron? Ano ba ang okasyon ngayon? Mga tanong na sumasagi sa isip ko kapag ako ay nakakikita ng makatakaw-pansin na istilo at porma.
Noon pa man hanggang sa ngayon ay sumusunod na ang lahat sa uso at nakikipagsabayan sa porma nga mga idolo nilang sikat na artista, personalidad, at mag-aawit, mapalokal o banyaga. Lalo na’t bago, kakaiba at maganda sa paningin –talaga namang gagayahin, walang iba kundi ng mga kabataang Pinoy.
Gustong-gusto ng mga kabataaan ang makabagong istilo ng pag-aayos ng kanilang mga buhok, damit at sapatos dahil in kung sasabayan nila ang mga ito.
Pumaroon ka man o pumarito, takaw-pansin ang magagara at kakaibang mga ayos mapapubliko o pribado, keribels lang nila.
May mga mala-rakistang porma mna napakaastig ng suot, nakatayo ang kanilang mga buhok, tila nakoryente, ‘yung kapag may nag-landing na butiki, patay! Tuhog!
Marami ring nag_eemo-emohan, pahabaaan ng buhok nag trip, with highlights pa na sumisigaw ang kulay. Bangs dito, bangs doon. Hindi ba nila alam na marami ng namatay dahil diyan? Parang may mga stiff neck kasi kapag tumatawid ng kalsada.
Mayroon ding porma na akala mo dadalo sa Halloween party, kasi makakikita ka ng Sadako na naglalakad at karakter ng the Grudge na hindi gumgapang. ‘Yung iba, pilit na itinataas nag maga kuwelyo, tila alagad ni Drakula. Siyempre, meron ding akala mo pasko na kasi makakikita ka ng buhay na Christmas tree sa dami ng burloloy sa katawan.
Nagmimistula ring tutubi ang nagsusuot ng mga naglalakihang mga salamin sa mata na minsan naman kahit hindi mataas ang sikat ng araw eh suot-suot pa rin ang mga nagkikintabang shades.
Nauso rin ang mga skinny jeans na normal sinusuot ng mga babae. Gayunpaman, mapababae o lalaki, nagsusuot nito matching with sumisigaw na kulay o tila glow in the dark na mga sintas sa kanilang naglalakihang mga sapatos.
At kung may naglalakiahn, may nag-iiklian naman na tulad na lamang nung mga nag-fefeling nasa beach, kung makapagsuot ng short ay short-shorts.
Mga pagsunod sa uso na masakit sa ating mga mata –makati naman sa mata ko. Masisisi ba nila ko, kung bakit ako ganito? Sila nga hindi ko masisisi kung bakit sila ganun eh sila nga hindi masisisi kung bakit sila ganun. Quits lang.
Masama mang tingnan ngunit kailanman ay hindi na ito mawawala. Kaya, bago sumunod sa uso, isipin mo muna kung ito ay bagay sa personalidad at sa lipunang ginagalawan mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat laging maki-uso dahil malaki ang nagiging epekto nito sa ating kultura. Kung patuloy na magkakaganito ang porma at istilo ng mga kabataaang Pinoy, hindi malayong makalimutan na rin nito ang tunay na kultura at tradisyong Filipino.
No comments:
Post a Comment