HOMOSEXUALITY, isang isyung pangkasarian, isang tao na nagkakaroon ng ikatlong kasarian.Sa madaling salita, ang LALAKI na nagiging BABAE at, BABAE na nagiging LALAKI naman. Bumaligtad na nga ba ng tuluyan ang mundo?!
Sa ating bansa, ang isyung ito ay hindi lubusang tanggap. Lalo na sa Simbahang Katoliko, ito'y tinuturing na immoral na kasalanan. Ngunit sa kabila ng mga ito, marami pa rin at padami ang mga taong dumaranas ng isyung ito.
Akin na ring naitanong sa sarili, "Nakit sila nagkaganooon?", "Impluwesya ba ng kanilang kapaligiran ang nangyari sa kanila?", "O marahil kaya ay may nangyari sa kanilang nakaraan na nakaapekto ng lubusan sa kanilang pagkatao?" Mga tanong na nais kong masagot upag aking maintindihan kung bakit kasarian nila'y naging taliwas sa paglago ng kanilang pagkatao.
HOMOSEXUALITY... Isang isyung hindi mamatay-matay, pagkabaligtad ng kasarian ng mga tao'y hindi malaman. Saan nga ba nagkulang? Oh sino ang siyang may kasalanan? Ano pa man ang kasagutan, sarili na lamang ang pakakapag-bigay kalinawan.
No comments:
Post a Comment