Bakla, bading, shokla, badap, beki, at paminta, mga katagang kanilang pagkakakinlanlan. Ito rin ang bansag sa kanilang naiibang kasarian. kasariang maaaaring nabuo at nagmula noong lumang panahon, at ngayo'y laganap naman bunga ng modernisasyon. Sila ang mga pusong Maria Clara na nakulong sa katawan ni Adonis.
Sabi nila ang mga bakla daw ay yung mga kaluluwa ng babae na nakulong sa katawan ng mga lalaki. Ang bading, shokla, badap at beki naman ay tulad din ng nauna. Meron naming mga bakla na “deny to death” ang pagiging bading, sila ang mga “The great pretender” o paminta. Mga bakla na di lantad ang pagkabading. Sila na mas malandi pa kaysa mga tunay na babae, lalaki sa umaga, babae naman pagsapit ng gabi.
Dati, naaalala ko ng may dalawang bakla akong narinig na nag-uusap sa may oberpas ng cubao, kapwa sila nakadamit pambabae, nakamake-up at mahahaba ang buhok. Ang hindi ko malilimutan sa lahat, ay ang kanilang salitaan na parang hinango pa sa ibang lenggwahe. Sabi pa nga ng isa sa kanyang kasama “Hoy! Tsupatid! Ang byonda-byonda naman ng fesz natin! Ano, nakahanap ka na ban g Adonis na paparets?
Ang mga pahayag na ito ay ‘di ko lubos na naintindihan, pilit kong hinanap ito mula sa diksyonaryo, pero wala naman akong nahanap na ganoong uri ng salita. Hanggang sa nalaman kong “gay lingo” pala ang uri ng pananalitang iyon. Natawa tuloy ako sa aking sarili sapagkat kung kani-kanino at sino-sino ang aking tinanong malaman lang ang kahulugan ng mga salitang iyon.
Sa ganitong pagkakataon, masasabi kong ang mga baklang iyon ay nakapagturo at makapagtuturo sa atin. Sila ay lubhang nakapagbibigay ng kaalaman. Nagging malaking implikasyon sa akin ang kanilang pananalita, dahilan upang kusa kong hanapin ang kahulugan ng mga salitang kanilang inusal at nagbigay sa aking isipan ng kabagabagan. Sila ay gumawa ng sarili nilang baryasyon ng wika upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan at pagkakaunawaan. Hindi lang sila sa pananalita nakapagtuturo, nakapagtuturo din sila sa kanilang kapwa bakla na ipagtanggol ang kanilang mga karapatang pantao.
Karapatang kilalanin at bigyan ng pantay na kalagayan sa estado ng buhay. Kung kaya naman hanggang sa radyo’t telebisyon at maging sa mga pampublikong pahayagan, kaliwa’t kanan kwento nila ang pambungad na balita. Naaalala ko rin dati ang ginawa nilang pagwewelgana kung saan isinisigaw nila sa kalsada na bigyan sila ng karapatang kilalanin ang kanilang lahi at bigyang proteksyon laban sa mga mang-aabuso, bigyan ng karapatang mamuhay bilang isang tao.
Totoo ang kanilang ipinaglalaban, sino ba naman ang gustong matapakan ang kanilang pagkatao’t karapatan? Wala naman sigurong mayroong gusto na mangyari iyon di ba? Ipinagtatanggol lang nila ang kanilang karapatan, dahil tao rin silang tulad natin. May damdamin, puso at kaluluwa kaya hindi naman tamang sirain natin iyon. Ang sinasabi ko’y maging patas sana tayo sa pagtingin sa iba, ingatan at alagaan ang dapat na ingatan. Sila na mga bakla ay tao rin, tulad mo, tulad ko, may puso’t damdamin ding marunong masaktan.
Binibigyang diin ko sa sanaysay na ito ang karapatang pantao ng mga bakla, at hindi ang kanilang kasarian, dahil wala naming batas sa ating konstitusyon at maging sa batas ng Diyos ang nagsasabing may karapatan at kalayaan ang mga taong pumili ng srili nilang kasarian. Samatuwid, paggalang at respeto po an gating kailangan upang tanggapin din po tayo n gating lipunan. Hindi po masamang makaangat ka sa iba, ang masama ay makaangat ka sa iba gamit ang pagtuligsa sa kanila. Sila na mga Maria Clara n gating lipunan.
No comments:
Post a Comment