Bakla, bading, shokla, beki, badap, paminta
Mga taguring madalas ibansag sa kanila
Sila ang mga lalaking pilit na nagpapakadalaga
Mga bakla ng ating kultura
Gamit ang kanilang pamosong pananalita
Na sila-sila lang ang nakauunawa
Wika nila’y napapanahon at patok sa uso
Tulad ng “bekimon” at maging ang “gay lingo”
Mudra, salitang madalas kong marinig sa kanila
Salitang ‘di ko maintindihan, katumbas pala ay nanay
Pudra, isa pang salita na alam na alam nila
Salitang ito’y inihalili naman para sa tatay
Hindi ko masasabing sila ay masasama
Kung hangad lang nila sa lipuna’y makilala
Igalang kung sino sila at kanilang karapatan
Na hindi kayang ibigay ng ating lipunan
Sila ay may sariling paniniwala’t kultura
Kakabit nita ang kanilang pananamit at pananalita
Sila na mga lalaking nagladlad sa likod ng kurtina
Kurtina ng kultura ng mga bakla.
No comments:
Post a Comment