Thursday, September 29, 2011

Panaghoy
para sa kultura't pakakapanatay-pantay
na nilimot na ng panahon

(Isang pasanaysay na mensahe para sa mga nakalimot na)

Ni Mitzy Kaye

Maaaring sayo’ng paga-akalang ito’y isang tula ngunit isa itong mansahe para sa mga kababaihan, kalalakihan, pati na ang mga kabataan.

Bawat tao ay binigyan ng karapatan: ang karapatang ipinagkaloob ng Diyos at ang karapatang ibinigay ng pinuno ng ating bansa na nakalimbag sa ating Saligang Batas. Pantay-pantay ang ating karapatan ngunit sa bawat karapatan at kalayaang ipinagkaloob ay nangangailangan ng pagkilos.

KARAPATANG PANTAO. Karapatang ipinagkaloob bawat isa sa atin ngunit ang karapatang ito’y tila isang alaalang ibinaon na sa limot. Sa kasalukuyan, ang mga imahe ng kababaihan ang patuloy na niyuyurakan ;Dati-rati ang mga babae;pagsapit ng kanyang pagdadalaga nariyan ang mga binatang nanliligaw, kani-kaniyang istilo makamit lang ang matamis na “oo” ng kanilang iniirog. Tila isang kayamanan na iniingatan ang mga babae subalit ngayon marami ka nang mababalitaan. Mababasa sa sa front page ng mga dyaryo...”Babae, ginahasa na pinatay pa!”. Nakalulungkot isipin na hindi na sila nirerespeto’t iginagalang bagkus ay yiniyurakan at tinatanggalan ng dignidad.

PANG-AABUSO. Karapatan ng mga menor de edad!. Dapat ay nasa paaralan upang matuto bagkus nasa lansangan, namamalimos, nakikipagpatintero sa mga sasakyan upang makabenta ng mga basahan at kung ano-ano pa. Nasa simbahan upng maglako ng sampaguita. Nakapanghihinayang ngunit wala tayong magagawa. Dahil sa kahirapan ay kinakailangan nilang magbanat ng buto para may ipanglaman sa kanilang sikmura.

Kung iyong mapagtatanto ay tuluyan nang kinalimutan ang kabihasnan n gating kultura na dapat ang mga babae ay iginagalang, minamahal at dapat nasa loob ng tahanan lamang. Ang mga batang dapat ay nasa silid-aralan upang matuto at hindi lumaking mangmang at naglalaro upang makisalamuha, magkaroon ng kaibigan, at naglilibang. Ang mga gawaing mabibigat ay dapat sa mga matatanda iniaasa.

Hiling ng bawat isa sa atin mapalalaki man o mapababae, bata’t matanda ay may pantay na karapatan , upang magkaroon ng pag-unlad, pagkakaisa’t pagkakaunawaan . Ang kulturang kinagisnan ay huwag iwaglit sa ating isipan .Patuloy na pagyamanin. Ituro pa sa susunod na saling-lahi. Walang mawawala kung pahahalagahan natin ang mga ito. Sapagkat ang kulturang kinalimutan ay siyang magbibigkis sa atin. Ang pag-unlad ng ating bayan ay nasa kamay ng bawat isa sa atin “ pang-aabuso at diskriminasyon” ay isang demonyo at salot na siyang sisira sa magandang imahe at relasyon ng babae’t lalaki . Tandaan natin ang mga ito. J

BUHAY. Ito ang pinakamahalagang handog ng dakilang Lumikha. Pahalagahan, ingatan at mahalin. Pahalagahan tulad ng Kulturang Pilipino at igalang ang bawat isa kahit ano mang kasarian nito. Iyan ang tunay na Pilipino. MABUHAY!

No comments:

Post a Comment