Ang kabataan ngayon
Ni: Angeline Espeso
Ang kabataan ngayon
Sanay sa wikang banyaga
Kahit mayroong sariling wika
Iyon ang gamit na mga salita
Hindi naman lumaki sa ibang bansa
Ang kabataaan ngayon
Taas noo sa mga koreano at ‘kano
Sila ang mga iniidolo
Kaya’t ang porma sa kanila ay hango
Hindi kasi mahilig sa mga pango
Ang kabataaan ngayon
Hinihele ng mga banyagang kanta
Kahit hindi lubusang maintindihan
Awtin ay swak pa rin sa panlasa
Maging sayaw ay sinasabayan ang bawat indak ng musika
Ang kabataaan ngayon
Imbis na nasa silid-aklatan
Facebook ang binubuksan
Laging nasa galaan
Party-party sa may tugstugan
Ang kabataaan ngayon
Pinoy sa puso at diwa
Labas rin sa nguso at tainga
Ang kultura na ipinamana
Unti-unti ng nawawala.
No comments:
Post a Comment