Pagdaka'y nilubog siya ng kaniyang ama
nangangambang bugbugin
natatakot at baka siya'y paslangin
katawang lupaypay na hindi maigalaw
leeg na hawak ni Itay habang katawa'y sa tubig ay giniginaw
nangangambang bugbugin
natatakot at baka siya'y paslangin
katawang lupaypay na hindi maigalaw
leeg na hawak ni Itay habang katawa'y sa tubig ay giniginaw
"Ano ka ba talaga?", tanong ng ama
"Babae po.", sagot nang nagmamatigas na bakla
tinanong siyang muli
kapit sa leeg ay mas sumikip
parang hininga ay pinipilipit
tinanong siyang muli
kapit sa leeg ay mas sumikip
parang hininga ay pinipilipit
Ang nagpapanggap na babae ay hindi nakatiis
siya ay sumigaw at sinabing siya'y lalaki
hindi natinag ang ama at siya'y tinanong muli
hindi natinag ang ama at siya'y tinanong muli
"Ano ka ba talaga?" nang makatlong ulit
natulala, napaisip, hindi malaman kung ano ang isasagot
Higpit nang pagkakasakal ay lalong nanaig
hininga'y hinahapo, hinahabol, tila nawawala sa 'sang disyerto
binigyan ni Itay ng huling pagkakataon
tinanong siyang muli, "Ano ka ba talaga?"
at siya'y sumagot nang walang pag-aalinlangan, "Sirena po."
Galit ng ama ay hindi na napigilan
inilubog nang sobra sa tubig ang anak niyang mahal
ang lalaking inasahan na magpapalago ng kaniyang lahi
ang lalaking naatasang magpasa ng apilyedo
tumanggi sa tungkulin at tinanggap ang buntot
No comments:
Post a Comment