Wednesday, September 28, 2011

Ang babae ay hindi mahina

Lumikha ang Diyos ng tao para magkaroon ng buhay at kagandahan ang mundo. Lumikha siya ng dalawang kasarian, ‘yun ay ang babae at lalaki lamang. Nilikha niya ito na pantay-pantay sa paningin ng lahat at ng Diyos.

Nang kinalaunan nagbago ang lahat. Sinasabing mas nakakahigit na ang lalaki kaysa sa babae. Mas malakas, makapangyarihan at magaling ang lalaki sa babae. Kaya nagkaroon sila ng pananaw na ang babae ay dapat nasa bahay lang at pinagsisilbihan ang kanilang mga asawa. Dahil sa lipunan na kanilang ginagalawan ang babae ay nakakulong lamang sa apat na sulok ng isang kahon kung saan hindi sila basta-basta makakalabas doon.

Nang tumagal nagkaroon ng boses ang mga kababaihan. Boses na kailangan magkaroon ng karapatan ang mga babae sa lipunan. Napagtagumpayan nila ang karapatan na nais para sa kababaihan ngunit hindi pa rin mawawala ang pagkamababang tingin nila sa babae tulad ng pampalipas oras lang nila ito, aliwan, kasiyahan. Na minsan inihahalintulad nila ito sa damit na kapag tapos suotin at pakinabangan iiwan na lang kung saan-saan at basta-basta na walang pagdadalawang-isip.

Kaya nagkaroon ng iba’t ibang organisasyon ng saganoon maging maganda ang imahen ng babae sa lipunan. Ilan sa mga organisasyon ay ang Asian women’s human rights, Batis center for women, BUKAL bukluran ng kababaihan sa lansangan, Development institute for women in asia pacific at ilan rin sa batas na pangkababaihan ay Pregnancy discrimination act of 1978, Treaty for the rights of women, National association of women lawyers.

Narito ang ilan sa mga katanungan ng babae at bilang babae nakikita ko ang punto nila: saan nga ba dapat lumugar ang babae sa mundong ito? Maya dapat nga ba siloang lugaran? O sadyang magiging alipin lamang sila ng lipunan?

Bilang isang babae, ang nais ko lang makilala nila ang karapatan ng babae at mapatunayan sa kanila na mali ang kanilang pananaw na mahina kami/tayong mga kababaihan. Hindi ba nila nakikita ang kahalagahan natin mga babae, kung wala tayo imposibleng dumami ang tao sa mundo, hindi magiging isang pamilya ang pamilya, walang nanay na iintindi at magbibigay ng pagmamahal sa kanyang mga anak, walang ilaw ng tahanan at higit sa lahat hindi makukumpleto ang mundo.

No comments:

Post a Comment