Friday, September 30, 2011

Same sex marriage nararapat ba ?

The Bible Says, " Homosexuality Is both Immoral and Contrary to Nature. ''
The Bible Authorizes Marriage as an Honorable Relationship between a Man and a Woman.


Sa patuloy na pagtaas ng mga nabibilang sa 3rd sex o mga homosexual sa bansa ay tumataas na din ang bilang ng mga nagpapakasal ng kaparehomg kasarian o same sex marriage. Tanggap na ba talaga sa ating lipunan ang mga ganitong gawain na halos nangyayari na ngayon sa buong mundo?Pinapayagan na ba ito ng simbahang katoliko ? Ano ang sinasabi ng bibliya tungkol sa sakramento at kahalagahan ng pagpapakasal ? Yan ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan matapos kong basahin ang isang balita ukol sa pagpapakasal ng magkasintahang parehong lalaki ang kasarian.

Totoo ngang marami ng mga bakla at tomboy ang nasa lipunan na natin ngayon , ang iba pa nga sa kanila'y mga hinahangaan pa natin sa ngayon tulad na lamang ni Vice Ganda na talaga namang nagpapasaya sa maraming kabataan at kahit may edad na sa kanyang mga programang nilalabasan. Ngunit ang paghanga bang ating nadarama sa kanya ay nagpapahiwatig na tanggap na natin ang mga katulad nya sa ating lipunan ? Maaaring common na sa atin ngayon ang mga tulad nya pero kung ang pag-uusapan ay ang pagpapakasal dyan tayo magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Sinasabi sa bibliya na ang kalalakihan ay ginawa para sa mga kababaihan at sila ang magpaparami ng ating lahi , ngunit paano ito mangyayari kung parehong kasarian ang magpapakasal? sigro ay sa unang punto pa lang ay hindi na dapat payagan ang pagpapakasal ng mga ito dahil isa itong malaking pagsira sa moral at sakramento ng kasal at lalo ng malaking paglabag sa nais ng Diyos para sa mga nilikha nyang magpapatuloy na mangalaga sa mga nilikha nyang bagay dito sa mundo.

Ang simbahang katoliko ay tinatalikdan ang ganitong pangyayari dahil na rin labag ito sa kautusan ng Diyos at hindi nila ito pinahihintulutan kahit na marami na ang nagpoprotesta ngayon na dapat silang bigyan ng sariling karapatan ukol sa pagpapakasal.Para sa kanila ay ginawa ang kasal ng lalaki at babae para magkaroon ng kasagraduhan ang pagsasama at pagmamahaln ng 2 tao na ito na may basbas ng Diyos at upang pagsilbihan at maibigay ang pangangailangan ng bawat isa at hindi lang ito isang seremonya na ginagawa para kanino na nagsasabing sila ay nagmamahalan kahit na pareho sila ng kasarian.


Masasabi nating tanggap na ng karamihan ang mga nabibilang sa 3rd sex pero ang pagkakaroon ng mga ito ng karapatan sa pagpapakasal ay hindi dapat at hindi maaaring payagan o gawing legal sa ating bansa dahil isa itong malaking pagsira sa kulturang kinagisnan natin at mga pinaniniwalaan natin sa ating relihiyon na sagrado ang kasal para sa mga nagmamahalaang lalaki at babae.




8 comments:

  1. Sana isinama mo yung pinagkunan mo ng Bible verse.

    ReplyDelete
  2. civil marriage NOT church marriage? lagi natin sinasama ang bibliya, ang kautusan ng dios na babae at lalaki.... their is a separation between the church and the state.... wag natin ikonek ang simbahan dhil ang gobyerno ang ma approve kung ipapasa o hindi ang same sex marriage. iba ang law of God sa law of man.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehhh kasi yon ang tama kaya wala ka magagawa then isa pa hindi man talaga pwede ang babae sa babae at mas lalong hindi pwede ang lalaki sa lalaki aige nga paano tayo nabuo kong wala ang mga magulang natin take note babae at lalaki ang ama at ina natin kaya kahit sila nalang ang basehan o di kaya halimbawa

      Delete
  3. civil marriage NOT church marriage? lagi natin sinasama ang bibliya, ang kautusan ng dios na babae at lalaki.... their is a separation between the church and the state.... wag natin ikonek ang simbahan dhil ang gobyerno ang ma approve kung ipapasa o hindi ang same sex marriage. iba ang law of God sa law of man.

    ReplyDelete
  4. Jeff erson, truth is universal, and its different from the reality, truth is revealed but not reality. You cant separate things from the truth. Universal means, it embraces all things all dimensions all circumstances. It does not compromise a civil or a religious views. It is the truth, and the truth is independednt, truth himself exists with its own..

    ReplyDelete
  5. Good afternoon I agree with you Mr or Mrs. Unknown the law of God is universal and it covers everything God has created. We should never push everything that is not to the will of God .Let us remember that God is the highest rulling power on Earth than anything else and the law of man should abide always by the law of God. God's law must remain forever. We should favor God's law than human law

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete